[Ch. 16] Date
Seb's POV
This is our first date. Sht! Bakit ba ako kinakabahan? Taena.
"'Tol.. chill ka nga lang.. masyado kang hot." Upakan ko kaya 'tong si Sam
"Oo nga, Seb. Para kang babae. Ahahahaha." Aba't nag-apiran pa 'tong dalawang 'to!
"Para kayong mga gag* eh nuh? Kakaasar kayo!" At inayos ko pa ang buhok ko na siguro pambente ko ng nagawa.
Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan! Marami naman na akong nadate na mga babae, pero iba kasi ngayon!
Si Dana ang kasama ko.
"'Tol.. basta tandaan mo lang ah? Easyhan mo lang! BWAHAHAHAHAHA" Buset na kapatid 'to!
"BWAHAHAHAHA Nadali mo, Sam!" At nag-apiran na naman sila ni Clark. Taena. Nakakaasar 'tong dalawang 'to!
"Taena! Bahala nga kayo dyan! Aalis na ako!" Tiningnan ko ang wrist watch ko. Maaga pa ako ng 10 min. Sa usapan. Sabi ko kasi 11:30am ko sya susunduin sa bahay nila. Sabado naman kaya walang pasok
"Nga pala, Seb! Wala si Dana sa kanila." Clark
"Andun sya sa condo ni Babes ko, aayusan daw kasi nila si Dana." A-Aayusan?
"Bwahahaha taena, Sam! Ang epic talaga ng mukha ng kapatid mo!" Clark
"Ahahaha.. hndi ko nga alam kung panu ko yan naging kapatid eh." Asar talaga 'tong mga 'to.
Umalis nalang ako at padabog na sinara ang pinto. Buset! Kinakabahan na nga yung tao aasarin pa! Mga wala talagang magawa yung mga yun!
Pagkarating ko sa parking lot pinaandar ko na agad ang kotse ko at agad na lumabas sa condominium.
Bagong bili lang 'tong kotse ko. Royal blue talaga pinili ko kasi favorite yun ni Dana. Syempre alam ko yun! Alam kong iniisip nyo, may student license naman ako 'no!
Habang nagmamaneho ako nakakita ako ng bilihan ng bulaklak. Inistop ko ang kotse ko sa gilid nun.
"Ano pong hanap nyo, Sir?" Saglit akong napatitig sa babaeng nasa harapan ko.
U-Ung.. headband nya... isang sunflower.
"Here, Selly. A flower for a beautiful girl like you."
"Nyah!!! Thank you, Sebby! I love you so much!"
"Ahahahaha, I love you too Selly."
"Pinky promise?"
"Pinky promise!"
"Sir?" Napabalik ako sa realidad sa sinabi ng babae.
"May problema po ba, Sir?" Sino yung babaeng yun? Taena. Bakit bigla nalang akong nahilo? Nyah. Baka pagod lang 'to.
"W-wala.. pakibigyan nalang ako ng dozen royal blue roses."
"Ok, Sir!" Wala yun. Wala lang yung nakita ko. Guni guni ko lang ata yun.
BINABASA MO ANG
When It Comes To Love ♥
RomanceKwento ng buhay pag-ibig ng magbabarkada. Kung paanong malalaman at masusubukan ang lahat ng mga imposibleng bagay sa larangan ng pag-ibig. Tampok ang pinaka bida sa istorya. Ang wagas at tunay na pagmamahalan nina Daniala Ivvone Chavez at Jacob Sha...