[Ch. 74] Masquerade Ball

52 1 0
                                    

[Ch. 74] Masquerade Ball


Dana's POV

Busy'ng busy ang lahat sa paghahanda. Grabe.. imagine? Sobrang bilis ng panahon! Pasko na mamayang hating gabi! Ahahaha. Hndi ko alam na magiging ganito kasaya.

Tinutulungan ko si Mama ngayon sa paghahanda. Dito mag papasko yung mga side ni Mama kaya katulong din namin sa paghahanda ang mga pinsan at mga Tita ko.

"Balita ko, Ella may gwapong boypren itong si Dana. Totoo ba yun?" Ay nako.. eto na,. Nagsimula na ang tanungan. Tsk tsk.


"Ay syempre Agnes! Totoo yun! Ay, Dana anak. Pupunta ba daw dito si Shaun hah?" Napangiwi naman ako kay Mama.

"Hahabol daw ata sya dito Mama eh. Kasi may party din sa mansion nila." Oo, yun talaga yun. Syempre.. mayaman ang pamilya ni Jacob. May ball pa nga daw ata eh. Ewan, pero pupunta ata yun dito ngayon.

"Ay! Mansion ba kamo?! Ay kay yaman naman ata nyan, Ella! Ahahahaha! Big time!" Tsk. Tita Agnes talaga. Hinayaan ko nalang silang mag-usap ni Mama at tumabi tabi na ako para maghiwa ng mga carrots.

Ang buong barkada, hndi ata dito magpapasko. Syempre.. mga mayayaman sila eh. Si Seb at Selene sa New York daw magpapasko kasama ang buong pamilya nila. Hanggang bagong taon ata sila dun. Si Julian at Divine sa France naman ata. Ipapakilala ni Julian si Divine sa mga magulang nya dun. Naks! Umaariba talaga sila. Si Sam at Juris? Nako... hndi ko na alam estado ng relasyon nila. Matapos kong malaman yung kaso nila nabalitaan ko nalang na lumipad na daw pala sina Sam at yung malditang Thalia na yun papuntang States. Ni hndi ko man lang nadamayan si Juris nun. At yung gaga naman na yun nagpunta naman ng Mexico. Dun nalang daw muna sya sa pamilya nya magpapasko. Si Clark at Rox naman Tagaytay lang ang punta nila. Ewan.. mag rereminiscene daw sila. Tsk. Tsk.


Habang naghihiwa ako napapitlag naman ako dahil sa sigawan sa labas. Teka! Ano yun?!

"KYAAAH!!! ANG GWAPO!!"

"SHET!!! ARTISTA BA YAN?! ANG GWAPO!!!"


"HNDI! HNDI! BOYFIE YAN NG ATE KO!! ATE!!!! ATE!!! SI KUYA SHAUN NANDITO!!!" Napalingon naman ako at nakita ko si Jacob na nakatayo ilang metro ang layo saken.

Woah. Teka.. bakit naka yellow tux 'to? Ang hot naman nyang tingnan. Shemay! Ang gwapo. Ay! Teka,.

"Jacob! Bakit nandito ka?" Agad akong lumapit sa kanya at nagpunas punas pa ako sa apron. Akala ko ba may pupuntahan muna 'to bago sya pumunta dito?


"Ay! Boypren yan ni Dana?!"

"Ang swerte ni Ate Dana! Ang wafu ng bf nya!!!"


"Biruin mo yun?! Ang gwapo at ang tikas ng bf ni Dana?! Ahahaha!!"


"Yan ba yung boypren ni Dana, Ella?! Ay kay gwapo naman!!"

Naiilang ako konti ah. Lahat nalang sila gulat na gulat kay Jacob. Tsk. Tsk. Bigla namang hinawakan ni Jacob ang kamay ko. Teka! Ang lagkit pa kaya ng kamay ko?!


"Come with me." Pahila na si Jacob sakin ng pinigilan ko sya.


"Teka! San tayo pupunta?! Ang dumi ko pa oh! Pati kamay ko." Ayan na naman sya. Hndi ko na naman mapredict utak neto. Aish. Jacob will be Jacob talaga.

When It Comes To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon