[Ch. 82] Misunderstanding
Dana's POV
Pagkagising ko kaninang umaga nagulat ako ng may maids na dito sa loob ng kwarto ko. Dala ang uniform ko. Napataas ang mata ko at tumingin sa kanila.
"Young Miss. Eto na po ang uniform nyo. Nandito na din po ang lahat ng gamit nyo sa bahay nyo. Naayos na po namin lahat. At.. pinagmamadali po kayo ni Sir. Robert. Nasa baba po sya ngayon." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng maid.
"Nasa baba si Tito Robert?!" Tumungo tungo lang yung maids. Anla! Bakit nandito sya.
Kinuha ko na agad ang uniform ko at nagmadaling pumasok sa cr. Naligo na ako ng mabilis at ni-blow dry ang buhok ko. Meju nailang pa nga ako sa ginagamit kong blow dry ngayon. Bagong bago. Di gaya ng blow dry ko sa bahay, luma na. Kinuha ko na din ang lace na ginagamit ko sa pagtatali ng buhok ko. Eh? Pati 'to bago. May iba iba pang kulay. Pinili ko yung plain na royal blue. Tinali ko ng pan-chun li ang buhok ko. Ang ganda. Masinsin pa ang pagkakatali ko. Talagang matibay ang lace na 'to. Di gaya ng dati ko, lumuluwag. Napabuntong hininga ako. Lahat ng meron ata ako ngayon ina-upgrade ni Tito Robert. Hay...
Isinukbit ko na ang backpack ko na... Jansport? Hay.. pati 'to binago ni Tito Robert. Isinukbit ko na yun at lumabas na ng kwarto ko. Paglabas ko dire-direcho lang ako pababa hanggang sa makita ko nga si... Tito Robert. Kasama si Tita Martha pati si Mama, Juno at Dashika.
"Anak.." Mama
"Ate!" Juno and Dash.
Nginitian ko lang sila. Ay.. namis ko agad sila.
"Good morning, my future daughter in law." Nginitian ko lang si Tito Robert nun
"Goodmorning, Ihja." Tita Martha.
"N-Nandito po kayo. B-Bakit po?" Bigla bigla naman kasi sila.
"Well.. we just checking you out, guys. Ugh! Is Stephan still sleeping? Urgh, that bastard--"
"Im up, Dad.," Napatingin kami kay Kevin na pababa ng hagdan. Naka-uniform din sya pero ibang school. Napahinto pa sya nun at napatagal ang titig saken. Eh? Problema neto?
"I-Ikaw nga.. ganyan ang buhok ni Chun Chun?! Ang batang chun li! Ikaw nga!" Pinanduruan nya pa ako nun. Chun Chun?!
"Chun Chun! Chun Chun! Wait me up!" Isang batang lalaki na mataba ang humahabol saken.
"Chun Chun ka ng Chun Chun! Sino ka ba hah?" Inilagay ko pa ang kamay ko sa balikat ko nun at hinarap ko sya. Nakakainis na batang 'to! Palagi nya akong sinusundan!
"Your Chunchun! Your hair is like the character in my play station, chun li!"
"Hah? Hndi kita maintindihan! Bahala ka nga dyan!" At tumakbo ako nun palayo sa batang mataba.
Nanlaki ang mga mata ko. Woah! Bakit may ganun akong memory? Ngayon ko lang nalaman yun ah.. s-so.. sya nga ang kababata ko.
"Ikaw yung batang lalaking mataba." Napatingin naman kami kay Tito Robert na tumatawa.
"Ahahahaha! Silly kids. See, Ella? I told you, this will help Daniala to bring back his lost memory. Ahahahaha. Funny childhood memory." T-Totoo nga talaga. May amnesia ako. Napatingin ako sa katabi ko na di na nawala ang mata kakatitig saken. Grabe.. imaginin mo yung batang mataba nuon? Pffft! Hndi ko akalaing gugwapo sya ng ganito.
BINABASA MO ANG
When It Comes To Love ♥
RomanceKwento ng buhay pag-ibig ng magbabarkada. Kung paanong malalaman at masusubukan ang lahat ng mga imposibleng bagay sa larangan ng pag-ibig. Tampok ang pinaka bida sa istorya. Ang wagas at tunay na pagmamahalan nina Daniala Ivvone Chavez at Jacob Sha...