[Ch. 52] My Birthday With Him
Dana's POV
Kakatapos lang naming mag-grocery ni Mama para sa mga ihahanda namin sa bday ko. Dito nga sa bahay ang venue diba? 3pm ko pinapapunta ang buong barkada, pati yung ibang tito, tita ko. Pati mga pinsan ko pupunta din. Kaya talagang malaking handaan 'to.
Pero bago kami nag-asikaso ni Mama nagsimba muna kaming buong pamilya. Nagpapasalamat talaga ako ng sobra kasi kompleto kami ngayon.
Ngayon, sina Dash, Juno, at Papa yung nag-aasikaso sa sala. Lilinisin daw nila yun dun at lalagayan ng kung ano ano. Si Dash nga daw ang supervisor nila eh. Tsk tsk.
Kani-kanina lang, dumating sina Juris at Selene. Tutulong daw sila samin ni Mama sa pagluluto. Natouch naman ako. May mga regalo na rin sila. Dun yun nakalagay sa may malaking box malapit sa may hagdanan namin. Nakalagay dun.. Ate's gift here! Si Dash parin ang nakaisip nun. Tsk.
"Nako.. salamat talaga at dumating kayo, Juris at Selene. May makakatulong na din kami ni Dana." Mama
"Willing na willing kami, Tita Ella! Lagi naman kaming pumupunta dito pag bday ni Dana eh!" Juris
"Oo nga po, Tita. Tsaka, dapat hndi kayo masyadong mapagod! Andito pa naman si Tito Iñigo. Ayieh!!!" Pffft! Lokaret talaga 'to si Selene.
"Ay nako. Napakapilya nyo talagang dalawa. Oh sya! Kilos na tayo." Mama talaga.
Inilagay ko na ang pasta ng spag dito sa kumukulong malaking pan. Magluluto din kami ng spag eh.
"Ay.. nasan na pala mga bf's nyo guys?" Tanong ko sa dalawa.
"Hmm. Ayon, bumibili pa sila ng regalo, Dana." Selene habang nagpapalaman sa lumpia wrapper. Gagawa yan ng lumpiang shanghai.
"Oo nga, fhudge. Tsaka, bibili ata sila ng 2 case ng beer. Lalasingin daw nila si Tito Iñigo. Loko loko talaga yung kambal salot na yun." Juris na inililipat na ang lutong pasta ng palabok. Syempre magpapalabok yan.
"Hay nako.. hndi uurungan yan ng Papa ni Dana. Ay mahilig din yun sa alak eh." Saad ni Mama na hinahalo halo halo naman yung pansit sa kawali.
"Ay.. pigil pigilan nyo rin yun, Ma. Tsk.. uy Fhudge.. tikman mo nga 'tong sauce ng spaghetti kung ok na?" Sabay lahad ko ng kutsara na may konting sauce ng spaghetti. Multi tasking kami dito eh. Hohohoho.
"Patikim nga." At tinikman naman ni Juris. "... hmmm! Ok na! Sarap!"
Ay.. buti naman masarap. Sana maging masaya bday celebration ko.
-----
4pm na. Isa isa ng nagsidatingan yung mga kamag anakan namin. Binati na din nila ako at yung mga pinsan ko naman dinumog si Papa. Pasalubong daw.. tsk tsk. Tapos yung mga pinsan ko ding iba. Nagkamustahan lang din kami at yun... isa isa na din silang nagsilagay ng regalo dun sa box. Whoah. Papuno na yun ah. Ahahahaha.
Dumating na din ang barkada. Sina Divine, Julian, Clark, Roxanne, Seb at Sam. Pati din si Aj kasama.
BINABASA MO ANG
When It Comes To Love ♥
RomanceKwento ng buhay pag-ibig ng magbabarkada. Kung paanong malalaman at masusubukan ang lahat ng mga imposibleng bagay sa larangan ng pag-ibig. Tampok ang pinaka bida sa istorya. Ang wagas at tunay na pagmamahalan nina Daniala Ivvone Chavez at Jacob Sha...