[Ch. 8] Condo Party
Dana's POV
"Tita Ella, una na po kami." At nagmano si Seb kay Mama. Tss.. sweet as ever.
"Ok, sige. Mag-iingat kayo ah. At Sebastian, tara nga dito." Eh? Ano na namang usapan ng dalawang 'to?
"Hala ka, Ate! Ibebenta ka na ni Mama kay Kuya Sebby!"
"Tse! Magtigil ka, Dashika hah! Uupakan na kita!" Napaka talaga neto ng kapatid ko!
"Bagay naman kayo ni Kuya Seb, Ate eh. Bakit ba ayaw mo sa kanya?" Aba't! Bakit ba napakapakialamero ng mga batang 'to ngayon?!
"Eh kung pag-untugin ko kaya kayo ngayon?! Shooh~ alis!" At tinaboy taboy ko sila, masyadong pakialamero.
"Tara na, My loves." Sabay kuha ni Seb ng back pack ko. May party kasi sa condo ng kambal. Sa condo ni Sam. Wala, naisipan lang ng barkada. Sabado naman ngayon eh. Walang pasok.
"AYIEH!!!! Nikikilig ako, Kuya Juno!!!" Anlandi talaga ng kapatid ko na 'to.
"Magtigil ka nga, Dashika!" Sabay batok ni Juno kay Dashika. Ahahahaha
"Ano sinabi ni Mama sayo, Seb?"
"Sabi ko lang ingatan ka nya! Wag kayong iinum ng hard! Eto, kung ano ano iniisip." Eh?
"Bakit defensive ka, Ma? Ikaw ah!" Ung mukha kasi ni Mama eh. Kilala ko 'to eh.
"Pffft. Yun lang talaga sabi ni Tita Ella, My loves. Oh? Kompleto na ba gamit mo? Sleep over tayo dun diba?"
"Yeps! Kompleto na yan, Seb. Oh, ano? Tara na?" Sabay akbay sakin ni Seb.
Oo, matagal nang kilala ni Mama at Papa si Seb. Kahit ang buong KMG. Kaya ok lang sa kanila na ganito kami ka-close ni Seb.
"Sige, alis na kami Tita." Seb
"Sige, ingat ah. Seb, ung bilin ko sayo." Mama
"Opo Tita. Ahehehe" Ano kaya pinag-usapan ng dalawang 'to?
"Ahahaha, Bye Kuya Sebby!" Landi talaga =________=
"Ingat ate."
At pumunta na kami sa labas ng bahay. Dun kasi nakapark ung kotse nya eh.
Pinagbuksan ako ni Seb ng pinto at pumasok na ako sa shot gun seat. At umikot naman sya sa likod, nilagay ang mga gamit ko sa likod at pumasok narin sya sa driver's seat.
"Wait, Seb!" At pinigilan ko sya sa pagsusuot ang seat belt nya.
"Bakit, My loves?"
"Ano bang pinag-usapan nyo ni Mama?" Bigla namang tumaas ang kilay ni Seb at...
"Pffft.. wala nga yun, My loves. Ahahaha. Hmm.. maaga pa para magparty. Mag-lunch muna tayo? Nandun din sina Sam sa mall. Sabay sabay na tayo pumunta sa condo." Hmmm... sige na nga. Muka namang hndi big deal yun.
BINABASA MO ANG
When It Comes To Love ♥
RomanceKwento ng buhay pag-ibig ng magbabarkada. Kung paanong malalaman at masusubukan ang lahat ng mga imposibleng bagay sa larangan ng pag-ibig. Tampok ang pinaka bida sa istorya. Ang wagas at tunay na pagmamahalan nina Daniala Ivvone Chavez at Jacob Sha...