[Ch. 9] That Night

47 0 0
                                    

[Ch. 9] That Night

Dana's POV

Aish.. (Harap sa kanan) aish!.. (harap sa kaliwa) Aish!!! Napabangon na ako nun sa kama. Hndi ako makatulog! Tsk. Ganito talaga ako kapag nakakainom eh! Kahit konti lang, nahihirapan akong makatulog.

Tiningnan ko si Juris na nasa kama. Buti pa sila tulog na tulog. Kami naman ang nanalo sa game kanina at sila ang talo, pero sila pa unang nakatulog. Tss,.

Tumayo na ako nun. Nakalongsleeve shirt ako at nakapajama. Gusto kong magpahangin.

----

"Oh, Ms. Dana.. san po ang punta nyo?" Napatingin ako sa guard dito sa lobby ng condominium.

"Hehehe.. papahangin lang po." Kilala narin ako ng mga guard dito since madalas kami talagang magbabarkada dito.

"Sige lang po, wag po kayong masyadong magtatagal at gabi na." Tumango lang ako at lumabas na.

Ganito naman palagi ko talagang ginagawa pag napapadpad ako sa condo ng kambal. Gustong gusto kong pumupunta dito sa.....

..... park na 'to.

Pag ganitong 12am na, wala nang tao. Nasosolo ko ang magandang lugar na 'to.

Kahit 12am na, bukas parin ang fountain dito. Ang ganda talaga ng lights! Ahahahaha

Nagulat ako ng biglang may humawak sa braso ko at napaharap ako. Nanlaki ang mga mata ko.

"Sya yun! Sya yung nakita kong kasama ni Sebastian Ferrer!" T-Teka.. kilala nila si Seb?

"A-Ano ba! Bitiwan nyo 'ko!" Asar! Ang higpit ng pagkakahawak ng lalaking 'to sa braso ko!


"Ikaw nga ba yun? Ang girlfriend ng gag*ng Seb na yun?" Sabat pa ng isa, teka nga..


"Ano bang kasalanan sa inyo ni Seb hah! Pwede ba! Bitiwan nyo ako!"


"Malaki! Malaki ang atraso samin ng boypren mo! At ikaw ang ipambabayad namin!"

*SLAP!*

Aray! Sheteng frog! A-Ang sakit ng labi ko. Napatingin ako sa lalaking sumampal sakin. Inis! Sa sobrang sakit naluluha ako! Nalasahan ko na may dugo sa labi ko.


"Dalhin nyo na yan." At may dalawang lalaki na humawak sa magkabilang braso ko.

"A-ANO BA! BITIWAN NYO AKO! TULOONG!!! HUHUHU TULONG!!!!" takot na takot na ako. Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha ko. Anong gagawin nila sakin? Bakit nila kilala si Seb? Ano bang kasalanan ni Seb sa kanila?


"Ahahahaha! Your hopeless Miss. Alam mong wala nang taong dumadaan dito pag ganitong oras na. Ahahaha" Napadiin pa ang pagpikit ko nun. Sana pala hndi nalang ako lumabas.

"TULONG!!!! HUHUHUHU" Sana naman may mapadpad dito. Please lord! Tulungan nyo po ako!

"Wag kang mag-alala Ms. Isusunod namin ang boypren mo!"

"AHAHAHAHAHAHAHA" S-Si Seb. M-May binabalak din sila kay Seb.

"ANG SASAMA NYO!!!!" Huhuhu.. katapusan ko na nga ata. Ni hndi man lang natupad lahat ng pangarap ko! Tiningnan ko silang lima. Mamamatay na nga ako!

*DUGSH!*

Huh?

Nagulat ako ng may sumulpot sa harapan ko at..

When It Comes To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon