[Ch. 29] Over Protective

60 1 0
                                    

[Ch. 29] Over Protective

Dana's POV

Hmmm... napamulat ang mga mata ko at mga mukha nila ang nakita ko.


"G-Guys.. a-ano bang mukha yan?" Napabangon na ako nun pero inalalayan ako ni Seb para makaupo at sumandal sa head board ng kama.


"Mabuti at gumising ka na, My loves." Eh? Bakit ganito ang mukha ni Seb? Napatingin ako sa paligid. T-Teka..

"Nasa ospital tayo guys? Ahahaha, bakit?" Ganun parin ang mga mukha nila. Napaka seseryoso. Eh?


Napatingin naman ako kay Seb na hinawakan ang kamay ko at idinampi iyon sa mukha nya.


"I almost lost you. Sorry. Sorry, Dana. Napakawalang kwenta ko." Nagulat ako ng biglang umiyak si Seb sa harap ko. Anla!

"Ano ka ba, Seb!" Napatingin din ako sa barkada. Paluha na din sila. "... wala kang kasalanan! Wala kayong kasalanan. Kaya pwede ba? Wag nyo sisihin ang sarili nyo! Ok naman na ako oh! Buhay pa ako!" Natatandaan ko na. Nalunod ako dun sa kalagitnaan ng boat race namin. At kasalanan yun ng malditang Cynthia na yun!

"K-Kasalanan ko! Hndi kita binantayang mabuti! Sorry." At niyakap pa ako ni Seb.


"Wala ka ngang kasalanan! Kulit!" At niyakap ko na din si Seb.


"Akala namin mawawala ka na samin, Dana." Divine

"Sobra kaming nag-alala sayo, Dana." Selene

"Fhudge naman eh! *Sniff* wag mo na kami ulit tatakutin ng ganun ah!" Juris


"Masaya kaming ligtas ka, Dana." Sam

"Tinakot mo talaga kami." Clark

"Buti at ligtas ka na, Ms. Chun li." Natawa kaming lahat sa sinabi ni Julian kahit nag-iiyakan na kami dito sa loob.


"Ano ba naman kayo! *sniff* Super duper drama naman na 'to! *Sniff* Group hug nga dyan! KMG!" At lumapit silang lahat sa akin at nag group hug kami. Ahahaha. Hay.. buti talaga at may mga ganito akong mga kaibigan. Kahit mga kalog, maaasahan mo naman.

Nagbitaw na kami sa yakap at kanya kanya kaming punas ng luha.

"Grabe ang drama, fhudge ah!" Napatawa kami sa sinabi ni Juris.

"Bakit? *Sniff* ikaw nga dyan ang unang umiyak."


"Panu, napaka-uhugin netong kaibigan mo." Sam


"Ano! Sinong uhugin ah!" Sabay hampas ni Juris kay Sam. Nagtawanan lang ulit kami.

"Hanggang ngayon hndi ko alam ang ibig sabihin ng KMG. Ano ba meaning nun?" Kawawang Julian.

"KMG! Kapal Muks Group! At isa kana samin ngayon, brad!" Sabay akbay ni Clark kay Julian

"Wow, gandang pangalan ah." Julian


"Bakit isasama natin yang higanteng yan? Eh napakapanget nyan." Divine

"Nagsalita ang maganda." Julian.

When It Comes To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon