[Ch. 32] Julian The Comforter
Julian's POV
Naglalakad ako dito sa malaking maze na 'to. Tsk. Ang daming pauso pala netong Springfields high. Pero, well exciting naman.
Tiningnan ko yung chips na binigay saken. 'Gallardo'. Sino kaya 'to?
Sa paglalakad ko, nakita ko na naman yung sadistang yun. Alam kong sya yun kahit nakatalikod pa sya. Pero nagulat ako sa tinitingnan nya.
"Ang sakit talaga, Clark eh." Selene
"Saan ba? Dito?" Clark
"Oo. Parang nagkapulikat ata ako." Selene
"Tara, buhatin nalang kita. Alam ko palabas dito. Para makapagpahinga ka nalang." Saka binuhat ni Clark si Selene. Piggy back ride.
"Salamat, Clark." Selene
Tiningnan ko si Divine. Nanginginig sya. Tiningnan ko yung kamao nya. Nakakuyom.
Ngayon mas napatunayan ko ang hinala ko sa simula palang. May gusto nga si Divine kay Clark.
Biglang humarap si Divine at nanlaki ang mga mata nya ng makita ako.
"K-Kanina ka pa dyan, higante?" Napa-cross arms pa sya nun. Ang galing nya magtago ng feelings nya.
"Hndi naman.. kararating ko lang. Bakit?" Ako naman ang napa-cross arm. Alam kong hndi 'to aamin. Tingnan lang natin.
"W-Wala naman. Lumayas ka na nga sa harapan ko." Sinuko nya ako nun at nilagpasan. Pero hinawakan ko ang braso nya at niyakap sya patalikod. Napapitlag sya.
"Alam mo bang... panloloko sa sarili ang ginagawa mo?"
"A-Ano bang pinagsasabi mong higante ka?! Bitaw----"
"... hndi kita bibitawan." At hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. Ibinaon ang ulo ko sa balikat nya. Ang bango nya. Sobra. Nakakaadik sya. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Kakaiba, pero gusto ko. "... hindi kita bibitawan.. hanggat hndi mo ititigil ang panloloko mo sa sarili mo."
"Alam kong... mahal mo si Clark..." ewan ko ba pero.. nakaramdam ako ng saket ng sabihin ko yun. Parang may kirot sa puso ko. "... kaya bakit kelangan mong itago sa lahat ang nararamdaman mong yun? Sa sarili mo? Ginagawa mong tanga ang sarili mo.."
Nakaramdam ako ng basa sa mga braso ko. Luha. Umiiyak ba sya?
"Malaman man nya o sabihin ko man sa kanya, wala na ding magbabago. May iba na syang mahal. At unfortunately, hndi ako yun."
Hinarap ko sya sa akin nun. Tama ako. Umiiyak nga sya. Nakatingin sya sa ibang direksyon. Ang ganda ng mukha nya. Mukhang matapang pero pag nakilala mo sya malalaman mong may malambot din syang katangian.
Itinaas ko ang baba nya at pinaharap sakin. Tumingin naman sya sa mga mata ko. Ang mga mata nya. Parang mga bituin na nagliliwanag sa gabi. Ngumiti ako. Pinunasan ko ang mga luha nya.
"Kung susuko ka na agad, malalaman mo bang may pag-asa ka? Kung susuko ka na agad, malalaman mo bang pwede pa sana? Gayahin mo ako, kahit alam kong may mahal nang iba ang taong nagugustuhan ko. Hndi ako sumusuko. Alam kong masakit. Pero kinakaya ko. Wag ko lang makitang lumuluha ang taong nagugustuhan ko.." Tiningnan ko pa ang mga mata ni Divina.
"J-Julian..." ngumiti ako. Pakiramdam ko, tumalon ang puso ko ng banggitin nya ang pangalan ko. Pakiramdam ko napaka espesyal ng pangalan ko pag sya ang bumabanggit.
Alam kong masyadong mabilis, pero sa mga araw na nakakasama ko ang sadista'ng 'to. Napapangiti nya ako ng hndi nya alam. Napapasaya nya ako ng hndi nya alam. Binabago nya ako ng hndi nya alam. Oo, nagugustuhan ko na si Divine.
Unti unti kong inilalapit ang mukha ko sa kanya. Ipinikit na nya ang mga mata nya ng magkalapit na ang mga ilong namin at ganun din ako. At pakiramdam ko nabuo ang kulang sa akin ng maglapat ang mga labi ko sa labi nya. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Kasabay nun ang pakiramdam na contented na ako.
Napakasaya ko. Sobra. Ang magkalapat ang mga labi namin ngayon ay parang isang bagay na matagal ko nang inaantay na makamit. Ang saya ko. Sobra.
Bumitaw na din ako at tumingin sa mga mata nya. Hndi. Mali 'to. Mali 'tong ginawa ko. Masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko sa kanya.
"S-Sorry.. sorry Divine." Paalis na ako. Nakakahiya kay Divine. Mamaya isipin nyang sinamantala ko sya.
Paalis na ako ng... hawakan nya ang braso ko.
"Teka, Julian.." Napatingin ako sa kamay namin at sa kanya. Nakayuko lang sya. "....Y-You dont have to say sorry. Ginusto ko din yun." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Binitawan na nya ang kamay ko at tumingin sya sakin. H-hndi ko sya mabasa.
"Malandi ba akong matatawag kung sabihin kong mahal ko si Clark pero gusto kita?"
And that's make my heart beat, beats like crazy.
-----
BINABASA MO ANG
When It Comes To Love ♥
RomanceKwento ng buhay pag-ibig ng magbabarkada. Kung paanong malalaman at masusubukan ang lahat ng mga imposibleng bagay sa larangan ng pag-ibig. Tampok ang pinaka bida sa istorya. Ang wagas at tunay na pagmamahalan nina Daniala Ivvone Chavez at Jacob Sha...
