[Ch. 66] Closure

34 0 0
                                    

[Ch. 66] Closure


Divine's POV

Mag-iisang linggo na ang nakakaraan ng magsimula ang sembreak namin. Ang saya ko nga eh. Araw araw solong solo ko si Julian. May hallowen party kami sa 30. Kaming buong barkada. So.. habang may 2araw pa kami para magsolo ni Julian, may date ulit kami mamaya! Ahahahaha.

Gaya ng nakaugalian ko na. Bawat umaga nagjojogging ako at iniikot yung buong cover court dun sa main park dito sa subd namin tapos balik ulit dito sa bahay. Nakajersey short na ako, dryfit na tshirt at nakamessy bun pa ung buhok ko, nilagaya ko na din yung bimpo ko sa balikat ko at lagay ng earphone ko sa tenga at play ng music sa mp3. Ready na ako!


"Kuya Denver, jogging lang ako ah." Paalam ko kay Kuya Denver.

"Geh lang." Umalis na ako ng bahay at sinimulan na ang pag jojogging.


----

Woo woo woo grabe.. ang sarap talaga ng nagjojogging pag umaga! Kakarefresh ng utak!


NP: The Final Masquerade

Oh? Tsk. Bigla akong may naalala sa kantang 'to.

Tearing me apart of the words you would'nt say
Suddenly tommorows moment washed away
Cause i dont have a reason
And you dont have the time
And we both keep on waiting
For something we wont find!

Etong kanta na 'to. Naalala ko 'to. Nung 2nd yr kami ni Cj. May mga lalaking humarang samin. Mga gang. Akala ko katapusan na namin pero lumaban sya. Lumaban sya hanggang sa abot ng makakaya nya mapagtanggol lang ako. Tapos sa may isang bar, pinatugtog 'to. Dun ko lang narealize na mahal ko na pala talaga si Cj. Simula nun naging paboritong kanta ko na 'to. At nasabi ko nun na talagang akmang akma samin ang kantang 'to.

The light on the horizon
Was brighter yesterday
Shaddows floating over
Skies began to fade

You said it was forever
But then it slipped away
Standing at the end of
The final masquerade

The final masquerade

Tsk. Naaalala ko din kung pano ako kabaliw sa kantang 'to habang pinapakinggan ko. Ang pagkakaintindi ko sa kantang 'to may dalawang nagmamahalan pero hndi nila maamin sa isa't isa. Puro sila dahilan, parehas silang nag aantayan. Akala ko ganun din kami ni Cj. Akala ko balang araw magkakagusto din sya saken pero nagkamali ako. Isang malaking sayang sa oras ang lahat!


All i ever wanted
The secrets that you keep
All you ever wanted
The truth i could speak

Cause i dont see forgiveness
And you dont see the crime
And we both keep on waiting
For what we left behind!


Akala ko nun.. papalipasin ko lang ang panahon. Magkakagusto din sya saken. Pero ang laki ko lang na tanga. Kasi nauwi lang ang lahat sa wala.

Pero.. masaya na rin ako kahit papano. Dahil sa kanya, dahil sa pagpapakatanga ko sa kanya, nakilala ko si Julian. Ang buhay ko. Ang mahal ko. Kaya, ok lang din. Masaya na ako kay Julian. Sapat na sapat na sya saken.


"Uy! Nagjojogging ka parin pala!" Napatigil ako sa pagtakbo at tinanggal ko ang earphone sa tenga ko.

When It Comes To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon