[Ch. 25] Nice Talking
Dana's POV
"... may mga tanong pa kayo?" Pagpapatuloy ni Ma'am.
Napatingin naman ako sa helera namin. May nagtaas.
"Yes?.." Ma'am
"Ano po yung mga pwede naming itanong, Ma'am." Tiningnan ko yung babae. Junior siguro 'to.
"Very good question, Miss. Ang activity natin ay Know your Groupmates. Kaya ang mga itatanong nyo ay yung mga bagay na gusto nyong malaman sa kagroup nyo. Malinaw na ba?" Sumang ayon naman kaming lahat.
".. ok, so simulan na natin! May mga plackard dito, itinaas na nila ang mga numbers ng group nyo. Pumunta na kayo." Tumingin tingin ako sa number ko. At sa mga nakataas na number.
"Hatid na kita, My loves." Sabay akbay sakin ni Seb.
"Ok!." At niyakap ko ang bewang ni Seb. Maya maya nakita ko na yung group ko. Ang laking 11! Ahahahaha.
"Oh, sige na. Punta ka na sa group mo." Saad ko kay Seb.
"Sige, mag-iingat ka My loves ah." Sabay halik ni Seb sa ulo ko.
"Ahahaha. Ang oa neto. Walang mangyayari sakin! Babye na!" At umalis na si Seb sa harap ko.
"Ate, Ate." Napatingin ako sa kumalabit saken sa likuran ko.
"Bakit?"
"Boyfriend mo?" Girl 1
"Kyaaah!!! Ampogi nun 'te! Ikaw na maganda!" Girl 2
"Ehehehe.. hndi ko yun boyfriend." Anu ba 'tong mga babaeng 'to. Mga Junior ata sila.
Bigla namang nanlumo ang mga mukha nila.
"Hindi mo boyfriend yun?" Girl 2
"Weh? Pakara mo 'te!" Girl 1
"Hindi nga talaga! Nanliligaw palang yun saken." Bakit ba kelangan ko pang magpaliwanag sa mga 'to?
"Ay ganun? Ahahahaha! Sagutin mo na sya 'te! Im Aileen by the way. Junior C." Saad ni Girl 1 at nakipag shake hands sakin. Ah.. Junior nga.
"Ako naman si Kelly, Junior D. Ang swerte mo naman at napakagwapo ng nanliligaw sayo! Senior yun diba?" Sabi din ni Girl 2 at nakipagshake hands sakin.
"Oo, Senior kami. Kaklase ko yun eh. Dana pala, Senior E." At nanlaki naman ang mga mata nila sa sinabi ko.
"SENIOR KA!?!" Eh? Anu bang nakakagulat sa sinabi ko?
"Oo bakit?"
"Ah eh.. wala naman." Kelly.
Maya maya may pumunta na saming line. Lalaki. Eer. Mukang gangster.
"Hey.. hi Miss." Saad nung lalaki. Humarap na ako sa linya namin. Er. Ayoko syang kausapin.
"Hi!!"
"Hi din!"
Err. Flirt ba 'tong mga Juniors na 'to? Ah. Hayaan ko na nga lang. Mukang ang gaganda ng mga kagroup ko ah. Nice. =______=
BINABASA MO ANG
When It Comes To Love ♥
RomanceKwento ng buhay pag-ibig ng magbabarkada. Kung paanong malalaman at masusubukan ang lahat ng mga imposibleng bagay sa larangan ng pag-ibig. Tampok ang pinaka bida sa istorya. Ang wagas at tunay na pagmamahalan nina Daniala Ivvone Chavez at Jacob Sha...