[Ch. 7] Searching Him ♥

72 0 0
                                    

[Ch. 7] Searching Him ♥

Dana's POV

"Naku, Fhudge. Nahihibang ka na nga talaga." Saway sakin ni Juris.

Nandito ako sa terrece ng kwarto ni Juris. Its been 3 days matapos nung insidente sa elevator. Pagkatapos nun hindi ko na nakita si Jacob. Hnahanap ko sya pero hndi ko na talaga sya makita sa school eh.

"Tulungan mo lang naman ako, Juris. Siguro naman pag nakapasok tayo sa Registar Office, makikita natin ang list ng lahat ng student at malalaman natin kung san ang room nya." Oo, gusto kong mahanap kung san ba talaga ang room nya. Wala lang, gusto ko kasing magpasalamat sa mga ginawa nya (kahit halatang napilitan lang sya =________=) Chaka gusto ko 'tong isauli sa kanya.

"Kaya ba pumunta ka dito ngayong ala-syete y'media ng gabi para dun? Pasaway ka talaga, Dana."

"Tulungan mo nalang kasi ako, Please??" At nagpuppy eyes pa ako kay Juris. Sa sobrang talino neto at sipsip sa mga teacher, sobrang laki ng maitutulong nya saken.

"Hay nako. Oh sya sige. Ako nang bahala bukas." Yes! Ahahahaha

"THANK YOU, FHUDGE!!!!" Ahahaha maisasauli ko na rin kay Jacob ung Jacket at Mp3 nya.

----

Third Person's POV

Naglalakad sina Juris at Dana na parang mga timang sa hallway papuntang registar office. Nakasuot sila glasses sa mata na may malaking ilong at bigote. Parehas din silang naka black leather jacket. Pero ang kay Dana ay yung pinahiram sa kanya ni Jacob.

"Fhudge, sigurado kang hndi tayo mahuhuli neto ah! Ayoko madetention!" Dana

"Gaga! Sino bang gustong madetention? Chaka ikaw ang may gusto neto. Ano? Tuloy pa ba natin?" Juris

"O-Oo naman! Tara na!"

At dahan dahan ulit na naglakad ang dalawa. Ngayon ay nandito na sila sa pinto ng Registar office. Papasok na sana sila ng bigla silang tumalikod. Si Dana nag-eexercise na nakatalikod sa pinto, habang si Juris ay may kunwaring binabasa sa may wall sa gilid ng pinto. May mga Trivia kasi dun.

"1, 2, 3... 1, 2, 3.... ang sarap talaga mag-unat unat!" Dana

"Hmmm... ahh.. ganun pala ang alamat ng fishball.." Juris.

May malaking question mark sa ulo ng teacher pero pinalampas nalang nya ito at umalis na.

"Wala na ba, Dana?"

"Wala na, Juris. Wooooh~ akala ko mahuhuli na tayo eh."

Bumalik ulit sila sa pagpihit ng doorknob ng pinto. Binuksan na nila ang pinto.

"Buti wala ng tao." Juris

"Oh, yeah!! Ahahahaha" at nag-apiran silang dalawa.

Kaagad na pumunta ang dalawa sa table ni Ma'am Caragan. Sya kasi ang in-charge sa list ng mga student.

Kinalkal na nila Juris at Dana ang mga folders. Pati sa table at cabinet ni Ma'am.

"Eto! Eto na ang listahan, Dana!" Pakita ni Juris.

Madali nilang hinanap ang pangalang 'Jacob Shaun' sa mga listahan.

"Takte ka pala, Dana eh! Tingnan mo naman! Dahil sa di mo alam ang apelyedo ng Jacob na yan kita mo lumabas! Dalawa pala sila!"

"Eh kasi nga, Juris! Yun lang naman ang nakalagay sa Mp3 nya eh. Walang apelyedo! Basta! Hanapin nalang natin lahat ng may pangalang 'Jacob Shaun' at pupuntahan natin isa-isa! "

When It Comes To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon