[Ch. 49] Thanks, Ate Jezlyne
Dana's POV
Hindi nako magkandamayaw sa kakatext sa barkada. Ni hindi ko nga alam kung anung isusuot ko! Kinakabahan talaga ako! Tinanong ko na kanina si Juris kung anu ba theme ng party! Bata yun diba? Anu ba? Anu ba?
Nagvibrate ang cp ko. Tumatawag si Juris. Sinagot ko naman agad.
"Juris, kinakabahan talaga ako. I mean. Bakit kasi kelangan kasama pa tayo? Eh dapat bigatin lang mga kasama dun! Gosh! Kinakabahan talaga ako!" Hndi ko na talaga alam ang gagawin.
[Fhudge.. pwedeng huminga ka muna? Try mo muna mag-inhale exhale pwede? Magrelaks ka nga! Ako naloloka sayo eh!]
Sinunod ko naman ang sinabi nya. Whoh. Ok.. ok na ako.
[Ok ka na?]
"Ok na, Juris." Mukha kaming timang. Buti nalang at nandito ako sa kwarto ko ngayon. 10am na, pero hndi ko talaga makalma yung sarili ko.
[Ok.. first. Magrelaks ka lang. Pangalawa, kaya tayo invited dun kasi apo ng may ari ng school ang may bday. Pangatlo, si Jacob mismo ang nag-invite sayo! Aarte ka pa ba? Pang-apat, fairy tale gowns and suits ang theme ng party dahil favorite daw yun ni Baby Celistine. Huh? Malinaw na ba?]
Napahinga naman na ako ng malalim. Ok.. ok.. naiintindihan ko na lahat. Pero..
"Fhudge kinakabahan talaga ako eh."
[Ano ba kasi yang ikinakakaba mo? Sige nga, ipaliwanag mo saken. Bakit? May sinabi ba sayo si Jacob ng agawin ka nya samin kahapon, huh?]
Napatawa pa ako konti sa sinabi ni Juris. Inagaw talaga?
"Ano kasi Fhudge.. kilala mo ba yung ate ni Jacob?"
[Oo! 'Nu ka ba! Lahat kilala ang ate nya! Actually buong mundo nga ata eh. Si Jezlyne Springfields Carter. Isang sikat na Entrepeneur sa France dahil sa dami ng botique nya dun! At.. napangasawa nya pa si Clarrence Carter. Isang cool hunk CEO ng malaking kompanya sa kalahati ng Australia! Sya na mayaman! Sya na.]
Wow ah.. damang dama ni Juris ang pagkukwento nya. Ok, oa na.
[Eh. Bakit nga pala nasama sa kwento yung ate ni Jacob?]
"Kasi fhudge.. anu... uhm.. kakausapin daw ako ng ate ni Jacob."
[Ohmyghad! This is it, Dana!! Meet the sister in law ka na!!! Kyah!!! Ang haba ng hair mo day!]
"Gaga! Kinakabahan na nga ako eh. Hndi ko alam ang gagawin."
[Chill ka lang kasi, Dana. Huh? Ay teka.. nandito na si Sam. Sabay sabay tayo mga 12nn ah! Papaganda tayo ng todo todo]
"Tangek! Susunduin nga daw ako ni Jacob dito mamaya eh."
[Ay, kabog! Ikaw na si Cinderella, Fhudge! Ahahahaha. Sige, kitakits nalang mamaya! Babush!]
"Bye.." at ibinaba ko na ang phone.
Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Anung gagawin ko?
BINABASA MO ANG
When It Comes To Love ♥
RomanceKwento ng buhay pag-ibig ng magbabarkada. Kung paanong malalaman at masusubukan ang lahat ng mga imposibleng bagay sa larangan ng pag-ibig. Tampok ang pinaka bida sa istorya. Ang wagas at tunay na pagmamahalan nina Daniala Ivvone Chavez at Jacob Sha...