[Ch. 43] KMG Reunite
Dana's POV
Its been a week na. Pinaliwanag na lahat saken ni Seb. Its a little bit hurt, pero tinanggap ko na din. Sila naman talaga ni Selene ang nagmamahalan eh. Sino ba naman ako para pigilan sila diba? Ang tagal ng inantay nila. Kaya pinatawad ko na din sila. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Seb saken.
"Kahit na, nakalimutan ko si Selene noon. Yung pinakita kong pagmamahal sayo, Dana, totoo yun. Walang halong biro. Sadya lang talaga na mahal na mahal ko si Selene."
"Loko loko ka nga talaga, Seb. Ok lang. Buti pala at hndi ako ganun nahulog sayo ng tuluyan. Kundi ikaw ang first heart broken ko. Ahahaha---" Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Seb.
"Sorry. Sorry ulit, Dana. Sana magkaibigan ulit tayo." Gusto kong umiyak. Pero pinipigilan ko. Bakit ako iiyak? Para saan?
"Para kang ewan, Seb. Naman! Kaibigan parin kita! Buo parin ang KMG huh? Ahahaha."
Naglalakad ako ngayon papuntang school. Ano ba! Bakit ba ako nababadvibes? Ok na ang lahat! Kaya dapat ok na din ako.
Sa paglalakad ko, nagulat ako ng may humintong kotse. I mean.. dalawang kotse sa harap ko. Teka.. pamilyar 'tong royal blue na kotse ah..
Bumaba ang windshield ang kotse at...
"Dana!!! San ka pupunta?" Eh? Si Selene? Teka, bakit hndi 'to nakauniform?
Napansin kong nasa loob ng kotse din si Seb, si Sam at Juris? Teka, san sila pupunta?
"San kayo pupunta? Bakit hndi kayo nakauniform?"
"Fhudge! Ano ka ba! Diba pinag usapan na natin 'to kagabi? Absent muna tayo ngayon! Lalabas tayo! Ahahaha." Juris
Ay.. oo nga. Nakalimutan ko. Nakapagbihis pa tuloy ako.
"Sorry, nakalimutan ko. Uwi muna ako para-----"
"Ay wag na, Dana! Pahiramin nalang kita ng damit!" Sabay labas nun ni Selene at tulak nya saken papasok ng kotse. Sinara naman na ni Selene ang kotse at pumasok na sa shotgun seat.
"Tara na, Sebby!" Selene
"Ok, Selly. Morning Dana!" Bati ni Seb.
"Hehe.. morning din Seb." Bakit parang ang awkward parin ng pakiramdam ko? Err..
"Fhudge! Epic mo talaga. Ahahaha. Dadaan pa naman tayo kina Selene, para makapagbihis ka parin ng damit. Magcecelebrate tayo kasi bati bati na! Ahahaha." Ngumiti lang ako kay Juris.
"Teka, Babe dun tayo sa condo ko matutulog diba?" Sam
"Oo, bakit Babe?" Juris
"Nako, eh walang pagkain sa ref eh." Sam
"Eh di magrocery tayo. Samahan kita." Juris
"Talaga? Salamat, Babe." Sam
Hay.. O.P naman ata ako dito. Halos silang lahat may mga love life na. Si Sam at Juris. Si Seb at Selene. Si Julian at Divine. Pati si Clark parang may balak makipagbalikan kay Roxanne. Ako lang ata talaga ang loner dito. Haish...
BINABASA MO ANG
When It Comes To Love ♥
RomanceKwento ng buhay pag-ibig ng magbabarkada. Kung paanong malalaman at masusubukan ang lahat ng mga imposibleng bagay sa larangan ng pag-ibig. Tampok ang pinaka bida sa istorya. Ang wagas at tunay na pagmamahalan nina Daniala Ivvone Chavez at Jacob Sha...