[Ch. 36] Guilty

37 1 0
                                    

[Ch. 36] Guilty


Dana's POV

Inayos ko na ang mga gamit ko at nilagay sa bag. Its been 3 days matapos ang activity namin. Nandito na kami sa Springfields High. Iwas na iwas ako kina Seb at Selene or more specific, sa buong barkada. Masyado pang bago ang sakit na ginawa nina Selene sakin. Hndi pa naghihilom.

"Fhudge, sabay ka na samin maglunch." Napatingin ako kay Juris.


Lumayo na din ako ng upuan. Dun na ako sa meju malapit sa blackboard pumwesto. Hndi ko maaatim na tabihan pa si Seb. Hndi ko kaya.


"Gusto ko sana kaso.. sabay kami ni Jacob maglalunch. Nag-aantay na sya sakin sa coredor..." tumayo na ako nun sa upuan ko. "... una na ako."

Lumakad na ako palayo sa kanila. Sorry fhudge. Hndi ko pa talaga kayang harapin kayo. Hndi pa sa ngayon.

Pagkalabas ko ng room dinudumog na naman si Jacob ng mga babae. Nang makita nya akong lumabas lumapit na sya sakin.

"Ang tagal mo." Napangiti ako. Buti naman at tinotoo nya yung deal namin. Lagi akong sasama sa kanya pag lunch time pag magtatagalog sya pag kasama ko sya. Ahihihi. Ang gwapo nya talaga pag nagtatagalog.

"Sino ba kasing nagsabi sayo na magditch ka ng klase at antayin ako dito ng matagal?"


"Tsk. Ang dami mong sinasabi. Tara na nga." Kinuha na nya ang bag at libro ko at sya na ang nagdala. Woah. Bago yan ah.

"Hmmm. Gentleman ka naman pala eh." At nagsimula na kaming maglakad.


"Matagal na." At parehas kaming napatawa dun.

-----

Juris's POV

*SLAAAAAAP!*


"Juris tama na.." Pinipigilan pa ako ni Divine pero hndi talaga ako makapagtimpi.


"Masaya ka na? Huh? Masaya ka na na tatlong araw na tayong hndi kinikibo ni Dana dahil sa kakatihan mo? Huh? MASAYA KA NA BA?!" Tinulak tulak ko pa si Selene. At sinalo naman sya ni Seb


"Juris tama na! Ako nga ang may kasalanan. Ako! Ako ang sisihin mo!" Seb

"Teka 'tol, wag mo namang sigawan si Juris. Hndi bingi yung tao." Sam

"Teka.. teka. Magpa-awat nga kayo guys. Nasa classroom pa tayo. Wag kayong gumawa ng eksena dito." Clark

"Eksena? Yan! Yan si Selene! Sya ang unang gumawa ng eksena! Ang kati mo girl. Alam mo nang may gusto ang kaibigan ko kay Seb pero inaahas mo parin?" Gusto kong ubusin ang buhok sa ulo ni Selene sa sobrang galit.

Tatlong araw. Tatlong araw ng iwas na iwas si Dana samin matapos ang schooltrip. At nang malaman ko ang nangyari? Gusto kong sunugin ang dalawang 'to sa impyerno!

"Oo na! *Sniff* ako na makati! Ako na malandi! Ako na lahat, Juris! *Sniff* pero masisisi mo ba ako? Mahal ko rin si Seb." Hah. Talaga namang..

"At kasalanan ko pa ngayon hah?! Ganun ba?! Kasalanan ko pa?!.." gusto kong lapitan si Selene pero pinipigilan ako ni Sam at Divine. "... ikaw ang tanga, Selene. Tingin mo. Ano kayang iniisip ni Dana sa inyong dalawa ngayon hah?! Hah?! TRAYDOR! MANLOLOKO! MANGGAGAMIT!!!"

When It Comes To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon