[Ch. 55] JulVine Fever! ♥♥

38 1 0
                                    

[Ch. 55] JulVine Fever! ♥♥

Divine's POV

Bino-blower ko na yung buhok ko. Kakatapos ko lang maligo. Takte na Julian 'to. Nasan na kaya yun? Wag mo sabihing hndi nya ako susunduin ngayon? Tatadyakan ko talaga yun! Hndi nya ba alam kung anung araw ngayon? Nako! Umayos lang talaga sya! Umayos lang talaga.

*TOK! TOK! TOK!*


"Young Miss Mitch. Nandito na po si Sir Julian." Napangiti ako. Nandyan na pala sya! Ahihihihi!! Ay, kelan pa ako naging bipolar ng ganito? Kasalanan 'to ng Julian na yan eh.

"Sabihin mo, pababa na ako!"


Agad na minadali ko na ang pagsusuklay ko ng buhok at pagbibihis ko ng uniform. Ano kaya surprise nya saken ngayon?


Tiningnan ko yung maliit ko na kalendaryo malapit sa salamin ko. Oct 4, eto ang 2nd monthsarry namin. Biro nyo yun? Naka dalawang buwan na kami? Ahahahaha. Ang bilis talaga ng panahon ngayon.


Nung 1st monthsarry namin, meju hndi maganda. Kasi naman! Nakita ko syang nakaakap sa malanding Roxanne na yun! Yung babaeng yun! Talagang sinasagad nya ang pasensya ko. Nasa kanya na si Cj, bakit pati si Julian gusto nyang kunin saken? Sobrang galit na galit ako kay Julian nun, pero pinatunayan nya talagang ako ang mahal nya. Biro mo ba naman? Nirentahan nya yung buong parke? Tapos ung mga tao sa loob ng park na yun binayaran nya din. Yun ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Mahal na mahal ko talaga yung kupal na yun.


Inayos ko na ang mukha ko, paganda tayo konti syempre! Gwapo kaya ng boyfriend ko. Kinuha ko na lahat ng gamit ko at.. ready na!


Pagkababa ko ng hagdan namin, nakita ko na sya sa sala. May kung ano syang binabasa. Grabe.. sinong mag-aakala na ang higanteng 'to ay magkakagusto saken at mamahalin ko rin? Pag-ibig nga naman.. basta pag tumama sa tao, hndi mo maipaliwanag kung panu nagsimula.

"Anung binabasa mo dyan, higante?" Oo, kahit kami na, nag-aasaran kami. Kakaiba'ng couple 'no? Ahehehe.. kami lang ata ganito eh.


"Goodmorning din, Love. Gandang pambungad 'no?" Hmpf! Bakit ganito makangiti 'to? >////////////////////< nakakasilaw,

"Tse! Ayan ka na naman sa pangiti ngiti mo! Tara na nga!" Nauna na akong lumabas sa kanya.

Grabe.. kahit dalawang buwan na kami, hndi parin ako sanay sa mga ngiti nya. Ang laki parin ng epekto sakin 'nun! Grabe'ng pag-ibig naman ata yung tumama saken oh!

Pagkalabas ko ng main door namin nagulat ako ng biglang may pumutok at may nagsaboy ng confetti. Oh! T-Teka... sino sila?

Nagulat naman ako ng nagtaas sila ng malaking heart shape na placard.


'Happy 2nd Monthsarry, Love!'

Awwww... naalala nya pala? Hndi ko mapigilang ngumiti. Wala akong paki kahit pagtinginan pa ako ng mga lalaking 'to na binayaran ata ni Julian. Mga 5 sila eh. Sobra akong natouch! Ang ganda ganda ng placard na yun kasi.. may picture namin yung dalawa. Wow.. ang ganda talaga.

Nanlaki naman ang mata ko ng hawiin ni Julian yung limang lalaki. Teka.. nasa loob yan-- nyah! Ginamit nya na naman ata yung back door sa kusina. 'To talaga.

Hndi ko mapigilan yung ngiti ko hanggang sa nasa harapan ko na sya. May dala syang bonquet red roses . Ang ganda.


When It Comes To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon