[Ch. 44] Jelous
Dana's POV
Grabe.. ang bilis lumipas ng panahon. Simula na ng 'Ber' months. Ahahaha. September na. Bibilangin nalang ang mga araw at birthday ko na. 17 na ako! Ajujujuju. Ahahaha tatanda na ako!
Nakikinig lang ako sa teacher namin ngayon. Tanggap ko naman na ang lahat. As in wala na talaga. Pangkaraniwan na saken ang lahat.
"Hoy Sebby! Akina yang ballpen ko kasi!" Selene
"Kiss muna, Selly." Sabay nguso ni Seb. Napatawa lang ako.
"PERVERT!" At yan, nagtawanan na kaming barkada.
"Tama! Parehas lang silang kambal! Mga pervert!" Juris
"Uy.. Babes naman. Hndi kaya!" Sam
"Ganyan ba talaga kaingay kayong mga babae? Grabe.." Julian.
*BOOOOGSH!*
"AWWW! Love naman! Nananapak ka na naman!" Julian
"Love love love ka dyan! Nang aasar ka pa hah!" Divine
"Para kayong mga timang guys. Ahahaha." Clark
Ang saya ng barkada, grabe. Araw araw nalang.
"Ok class! Quiet. I have a important announcement." At napatingin kaming lahat kay Mrs. Morales.
"Alam kong medyo weird pero, may bago kayong kaklase ngayon. Mr! Pasok na." Napatingin naman kaming lahat sa papasok na lalaki.
"Hello inyong lahat. Ako si Aaron Jhon Enriquez. Aj nalang tawag nyo saken. Sana maging magkaibigan tayo----- ay..." at nagtawanan kaming lahat.
Ahahahaha. Pano ba naman? Naka glasses sya na malaki tapos nung nagbow sya lahat napatawa.
Pinulot nya ang glasses nya at tumingin saken. Nanlaki naman ang mga mata ko o siguro kaming lahat.
"Ahehe.. pasensya na." Grabe.,. Ang pogi nya! My ghad! Mas bagay sa kanya na hndi nakaglasses! Bakit pa sya nakaglasses kasi?
Sinuot na nya yun at humarap kay Ma'am.
"Ok, Sya si Aj Enriquez. Galing sya sa all boys school pero dahil lumipat na sila dito sa manila, dito na sya mag-aaral. Amm.. teka.. Ms. Chavez." Biglang nanlaki ang mga mata ko ng tawagin ako ni Ma'am.
"Ma'am? Bakit po?" Sabay taas ko ng kamay.
"Ms. Chavez, pwede bang tabihan mo si Aj dun sa may dulo? I want you to tutor him. May ipapatest kasi ang board sa kanya para official na matransfer sya dito. For 2 weeks, itutor mo sya. Ok ba? Start na ngayon." Eh?! Napakamot tuloy ako sa ulo.
"Ok po Ma'am."
-----
Naglalakad na kami papuntang canteen. Kasama namin 'tong si Aj.
"Aj.. alam mo naman ata na ang pangalan ko diba?" Tanong ko kay Aj
"Chavez lang alam ko eh. Ahaha. Sorry." Napatawa pa ako konti. Ang cute nya! Grabe! Ang sarap pisilin ng mukha nya!
"Ahahaha! Ang cute mo naman, Aj!" Selene
"Ehem.." Seb.
BINABASA MO ANG
When It Comes To Love ♥
RomanceKwento ng buhay pag-ibig ng magbabarkada. Kung paanong malalaman at masusubukan ang lahat ng mga imposibleng bagay sa larangan ng pag-ibig. Tampok ang pinaka bida sa istorya. Ang wagas at tunay na pagmamahalan nina Daniala Ivvone Chavez at Jacob Sha...