Sumasakit ang ulo ko, dahil ito sa hang-over. Napasarap ang inuman namin sa Bar kagabi kasama ang barkada ko. Ngayon ay late na ako sa trabaho. Nakapikit lang ako buong byahe dahil gusto ko pa talagang matulog, pero hindi pwede, dahil ako ang CEO ng company.
"Sir Jairus, nandito na po tayo."
Napadilat ako nang magsalita ang driver ko. Tumingin ako sa paligid, nakita ko naman ang mga employee na nakapila sa entrance. Heto na naman sila para bumati ng sabay-sabay, araw-araw na lang.
Binuksan ng secretary ko ang pinto ng kotse. Yumuko siya habang papalabas ako, nagsipag-yukuan din ang mga empleyado na nakapila sa entrance ng building.
"Good morning, Mr. Jairus Gael Alvarez--"
"Ano bang sabi ko? Ayoko nang nakapila pa kayo tuwing papasok ako. Hindi ba kayo nagsasawa kakabati sa akin?" irita kong sabi.
Pakiramdam ko mas lalong sasakit ang ulo ko.
"Sir, pinag-uutos po ito ng Papa ninyo. Nasa office na siya at naghihintay sa inyo," ani ng Secretary kong si Philip.
Lumakad ako sa mga napila na employees, tinuro ko sila habang naglalakad ako.
"Kayo, ah! Bukas kapag may nag-greet na naman sisipain ko na," ani ko.
"Yes, Sir!" sabay-sabay nilang sambit.
Nakita ko naman ang paborito kong employee na si Kairo, may hawak siyang kape na kakakuha niya lang sa vending machine dito sa ground floor. Nakasuot siya ng salamin, masarap siyang bwisitin dahil pikon siya pero wala naman siyang magagawa dahil boss na ako.
Lumapit ako sa kaniya, bago pa man niya mahipan ang kape ay kinuha ko iyon sa kamay niya. Nagulat naman si Philip sa ginawa ko.
"Mukhang masarap 'to, ah?" ani ko kay Kairo.
"Opo, Sir. Para po talaga sa inyo 'yan," aniya at ngumiti kahit halata sa mukha niya ang pagka-inis.
"Natapos mo na ba yung proposal?" tanong ko.
"Hindi pa po."
"Bilisan mo, tapusin mo ngayong araw. Kapag wala akong naipakita kay Papa malalagot na naman ako," ani ko sa kaniya.
"Ise-send ko na lang ang soft copy sa email ninyo," aniya at tumayo ng tuwid.
"Very good!" Tinapik ko ang balikat niya sabay higop ng kape.
Sinadya kong patunugin ang paghigop ko dito para asarin siya. Tumatawa akong naglakad papunta sa elevator.
"Sir, ang schedule mo ngayong araw ay reviewing of business proposal 'till 11 am. After lunch, may meeting po kayo with Mr. Roxas at Roxas building, exactly 1 pm dapat po nandoon na kayo. 3 pm naman ay checking ng sales--"
"Ang dami naman," reklamo ko habang umiinom ng kape.
"Sir---"
"Oo na, alam ko na. Kalma. Iisa lang ako," ani ko at tumawa.
Tila ba nawala ang sakit ng ulo ko sa kape na hawak ko. Nakangiti akong pumasok ng office ko pero nawala ang ngiti ko nang makita si Papa na pinapakialamanan ang mga papel sa lamesa ko.
"JAIRUS, YOU'RE LATE!" sigaw ni Papa.
"Pa... It's better to be late than absent--"
"Huwag mong gawing biro ang trabaho mo, Jairus. Kailan ka ba magseseryoso? Bakit may mga drawing itong mga papel mo? This is a business and not a kindergarten school!" sigaw ni Dad.
Itinaas niya ang isang papel. Mayroong drawing doon ng lalake, natatandaan ko na, kahapon ko iyon dinrawing habang may kausap akong employee. Nagdi-discuss siya habang ako ay ginuguhit ang pangit niyang mukha.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...