Chapter 49

3.6K 118 18
                                    

Seira Anthonette's P. O. V.

Malapit na magdilim. Natapos ko na lahat ng trabaho ko dito sa bahay pero hindi pa rin sila umuuwi. Gusto ko nang tawagan si Jairus, baka kung ano nang nangyare sa kanila. Isang litrato lang ang sinend niya tapos wala nang update. Limang oras na silang magkasama, hindi ko alam kung intramuros lang ang pinuntahan nilang mag-ama.

Kinuha ko ang cellphone ko at lumabas ng bahay, handa ko nang pindutin ang call button sa profile ni Jairus. Napatigil ako nang muli kong maalala ang mga sinabi ni Kuya Benjie kanina.

"Sige... Hahayaan ko silang mag-ama kahit wala akong tiwala sa lalakeng 'yon," bulong ko.

Muli akong pumasok sa loob ng bahay kahit hindi ako mapakali. Kumuha ako ng tubig mula sa ref at uminom, pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

"Hindi ko na talaga hahayaang magsama ang dalawa na 'yon," singhal ko.

"Seira, naririnig kita."

Binitawan ko ang tumbler na hawak ko nang marinig ang boses ni Mama. Dahan-dahan akong pumasok sa kaniyang kwarto.

"Ma, gising po pala kayo. May kailangan po ba kayo?" tanong ko at umupo sa tabi ng kama niya.

"May kailangan ba akong malaman?" seryoso niyang tanong sabay hawak sa aking kamay.

Napayuko ako, hindi ko alam kung ang tinutukoy niya ay about kay Wayne. Tinatamaan lang ako na baka iyon.

"W-Wala naman, Ma."

"Alam mo, anak. Nandito lang ako palagi, hindi man ako makatayo at makalakad, pero nakakarinig ako."

Tila ba nanindig ang balahibo ko nang sabihin niya iyon. Napaiwas ako ng tingin at mahinang tumawa para hindi niya mahalata ang kaba na nararamdaman ko.

"H-Ha? Oo naman, Ma."

"Kailan mo balak sabihin sa akin ang lahat?" tumitig si Mama sa mga mata ko.

Tila ba wala akong marinig kundi ang tibok ng puso ko. Gusto kong maiyak sa kaba, mukhang narinig ni Mama ang mga usapan namin ni Kuya kanina habang nagluluto, hindi naman malaki ang bahay namin para hindi kami magkarinigan.

"M-Ma, ang alin p-po ba?" nauutal kong sambit.

"Seira, ina mo 'ko. Nagbago na rin ako at iintindihin kita, anak." Dumampi ang mainit na palad ni Mama sa pisngi ko dahilan para hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

"M-Ma... Sorry..." tangi kong nasabi.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at nagpipigil ng aking paghikbi.

"Anak, naiintindihan kita. Napakasakit at napakahirap magpalaki ng anak nang mag-isa ka lang." Hinila ni Mama ang braso ko dahilan para mapasubsob ako sa kaniyang dibdib.

Naramdaman ko ang pagtapik niya sa aking likod. Mas lalong kumawala ang mga luha ko.

"M-Ma, ang sakit-sakit pa rin. Sising-sisi ako sa lahat ng pagpapakatanga ko..." lumuluha kong sambit.

"Naiintindihan ko 'yon, anak. Oo, sobrang sakit. Ang sakit-sakit, naipon lahat dito," ani Mama sabay turo sa dibdib ko.

Humiwalay ako sa kaniya at umupo ng tuwid.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon