Seira Anthonette's P. O. V.
Kinabukasan... Pagsapit ng hapon, uwian na namin ngayong alas-singko pero parang gabi na sa sobrang dilim ng kalangitan kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Nag-aalala ako kay Wayne dahil malamang natatakot na iyon sa kidlat, mabuti na lang at nasa bahay din si Dorothy.
"Lakas ng ulan, kainis." Sinakbit ko sa aking balikat ang bag na regalo sa akin ni Jairus. Ito ang gamit ko dito sa trabaho.
"Kukuha na ako ng taxi," sabi ng katrabaho ko.
"Ako nga rin..." bulong ko at nilabas ang cellphone ko.
Magbo-book sana ako ng grab nang makitang maraming missed calls si Jairus. Napabuntong hininga ako dahil nangungulit na naman siya, porket nagiging okay na ito. Ako naman ay umiiwas na ulit dahil ayokong mahulog sa kaniya.
Binasa ko ang text messages ni Jairus. Nagulat ako nang mabasang one the way na raw ito para sunduin ako. Akmang magre-reply ako ngunit bigla siyang tumawag. Lumabas ako ng building bago sagutin ang call niya.
"Seira, nasa labas na ako. Heto! Nasa harapan mo. Tingin ka sa tapat!" ani Jairus sa cellphone.
Nang makita ko ang sasakyan nito ay agad akong napairap.
"Sana hindi mo na ako sinundo, okay lang naman ako. Kukuha na lang sana ako ng grab," sabi ko.
"Sus, nandito na nga ako sa harapan mo ayaw mo pa ring sumakay. Mag-U turn lang ako, hintayin mo 'ko," aniya at pinatay ang call.
Inis akong nilagay ang cellphone ko sa aking bag. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ba ito ginagawa. Minsan akala ko dahil lang kay Wayne pero ngayon pansin ko ginagawa na niya para sa akin, yung bulaklak noong natanggap ako sa trabaho, paghatid sa akin. Ngayon pati pagsundo!
"Seira!"
Binaba ni Jairus ang bintana ng passenger seat. Nagdadalawang-isip naman akong sumakay. Ano pa bang magagawa ko? Narito na siya sa harapan ko.
"Sakay na!" sigaw niya.
Sumakay ako sa passenger seat. Basa ang sandals ko at napatakan ako ng kaunting ulan dahil sa pagsakay ko sa kaniyang sasakyan.
"Okay ka lang?" tanong niya.
"Oo, okay lang."
"Sensya na, wala akong payong," aniya.
"Ayos lang. Umuwi na tayo, baka naghihintay na si Wayne. Naabala na naman kita," sabi ko at pinunasan ang basa kong braso.
"Seira talaga, aba! Hahayaan ba kitang umuwi mag-isa nang ganito kalakas ang ulan?" natatawa niyang sabi.
Napakunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin? Bakit nga ba hindi niya ako hahayaan? Dahil ano?
Natahimik siya sa hindi ko pag-imik. Nakatingin lang ako sa bintana habang nagmamaneho ito.
"Daan tayo sa SB, kape tayo?" tanong niya.
"Ano ka ba? Hindi ba't uwing-uwi na ako, magyayaya ka pa magkape," irita kong sabi.
Rinig kong huminga siya ng malalim. Pansin ko namang humina na ang ulan, pero nakaramdam ako ng ginaw. Napahawak ako sa magkabilang braso ko. Dahan-dahan ko itong kinuskos para maibsan ang lamig.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...