Seira Anthonette's P. O. V.
Linggo ngayon, hindi ko namalayan na inubos ko lang ang oras ko sa pagtulog maghapon. Nagising ako nang alas-sais ng gabi, naabutan ko si Mama na nagluluto ng hapunan.
"Ma, amoy sisig," ani ko.
Biglang kumalam ang sikmura ko. Kahit naaamoy ko pa lang ang ulam ay gustong-gusto ko nang malasahan ito. Tila ba lalo akong nagutom nang makita ko si Mama na inihahain ang sisig sa lamesa.
"Ginaya ko yung luto ng Papa mo, sana nga kalasa ng luto niya."
Napansin ko ang lungkot sa mga mata ni Mama nang sabihin niya iyon. Marahil ay sobrang hirap nga talaga magpalaki ng anak mag-isa. Wala man lang kaagapay si Mama sa akin at kay Kuya dahil nawala agad si Papa.
"Sa birthday mo, bibili na tayo ng laptop mo, ha? Gusto ko ikaw pumili ng laptop. Hindi ko alam yung mga ganiyan, may tinatawag pang specs."
Napatingin ako kay Mama, kahit ba pala-sermon siya ay ramdam ko pa rin ang pagmamahal niya sa kaniyang aksyon, hindi lang siya showy, hindi kagaya ni Papa. Sobrang malambing si Papa kaya nung nawala siya, tumamlay talaga ang tahanan namin.
"Maraming salamat po, Ma. Sa susunod kapag nakuha ako nila Jairus sa company nila para magtrabaho, hindi niyo na kailangan mag-work. Ako na pong bahala sa inyo," ani ko at ngumiti.
Naupo ako sa hapag at ganoon din si Mama.
"Talaga ba, anak? Sa kumpanya ka nina Jennifer magtatrabaho?"
"Pinangakuan po ako ni Jairus, kukuhanin nila ako bilang Accountant. Kailangan ko na lang ipasa yung board exam para maging CPA ako," ani ko at sumandok ng kanin.
"Oo, pagbutihin mo. Mas malaki ang sahod kapag CPA ka na."
Napatigil ako sa pagkuha ng ulan dahil sa pag-vibrate ng cellphone ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang message ni Kuya Benjie.
{Seira, binayaran ba ni Mama yung 10k na utang ko kay insan?}
"Oh, sino 'yan?"
"M-Ma, si Kuya po. Tinatanong kung binayaran niyo yung sampung libo, sasabihin ko po ba na binayaran niyo?"
Biglang nag-iba ang awra ng mukha ni Mama. Sumeryoso siya habang naglalagay ng kanin sa kaniyang plato.
"Sige, sabihin mo na hindi ko na siya tutulungan kahit kailan at huling tulong ko na yon."
Halata naman kay Mama, sinasabi niya lang 'yon. Alam kong hindi niya rin matitiis si Kuya.
Nag-reply ako kay kuya at pinagpatuloy ang pagkain ko. Nang matapos kami ay ako ang nag-urong tutal wala akong ginawa maghapon kundi matulog. Sobrang dami ko ring nakain, pakiramdam ko dumoble ang kaya kong kainin.
Kung dati hanggang 2 cups lang ng rice ang kaya ko, ngayon ay nakaka-apat na sandok ako. Ganito ba kapag broken hearted? Lumalakas kumain.
Papasok na sana ako ng kwarto ko nang tawagin ako ni Mama.
"Seira!"
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...