Seira Anthonette's P. O. V.
Pagdating namin sa bahay ni Mama. Ang dati kong tirahan. Tulog na tulog si Wayne sa balikat ko. Alas-nuebe na ng gabi at sinabi ni Kuya na siya na ang magbabantay kay Mama. Babalik na lang kami bukas doon para kami naman ang magbantay kay Mama.
"Seventy na po ang pamasahe ngayon ng trycicle," ani ng driver nang mag-abot ako sa kaniya ng singkwenta.
"Ang mahal naman, Kuya. Dati fifty lang," reklamo ko at kumuha ng bente sa wallet.
"Pamahal ng pamahal ang lahat ngayon, Miss. Pati gasulina." Ibinaba ng driver ang maleta kong dala.
"Salamat, Kuya." Binuhat ko si Wayne na mahimbing ang tulog.
Kinuha ko ang aking wallet para hanapin ang dati kong duplicate na susi ng bahay. Sana lang hindi napalitan ang doorknob nito, kundi kawawa kami. Napatingin naman ako sa kabilang bahay kung saan nakatira sina Jairus. Bukas ang ilaw sa sala nila. Sana hindi na kami magkita pa.
Sinipa ko ang maleta papasok ng gate. Bigat na bigat na ako kay Wayne kaya inuna kong buksan ang pinto, sa awa ng Diyos ay bumukas ito. Dumiretso ako sa aking lumang kwarto ko. Nang buksan ko ang ilaw ay napahinto ako. Nakita ko kung gaano kaayos at kalinis ang iniwan kong kwarto, five years ago.
"Si Mama... Nililinis pa rin niya," naluluha kong sabi.
Inihiga ko si Wayne sa kama ko at lumabas ng bahay para kuhanin ang maleta na naroon. Napatigil naman ako nang may isang babaeng naka-uniporme ng pang-maid ang lumapit sa gate ng bahay.
"Miss, nariyan na ba si Sonya?"
Napatigil ako, sino kaya siya at bakit niya hinahanap si Mama?
"Sino po sila?" tanong ko at ngumiti.
"Ah! Ako yung katulong dito sa kabilang bahay." Tinuro niya ang bahay nina Jairus. "Ibibigay ko sana yung parcel na nakapangalan sa kaniya, ako kasi nag-recieve kanina. Kaano-ano mo ba si Sonya, iha?"
Napatango ako.
"Anak niya po ako, pwede pong ako na lang nag-recieve ng parcel ni Mama?" tanong ko.
"Ay, sandali heto." Tumakbo siya papunta sa bahay nina Jairus. Wala pang ilang minuto ay bumalik siya dala ang isang box.
"Kay ganda mo namang bata, manang-mana ka kay Sonya." Nakangiti siya habang inaabot ang box.
"Salamat po. Matanong ko po sana, nandyan po ba yung may-ari ng bahay? Sila Jairus po?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtatanong.
"Naku, iha. Wala sila diyan, halos isang beses lang sa isang buwan kung umuwi. Rest house na lang nila 'yan, may penthouse kasi sila sa building nila. Diyos ko, ang daldal ko," aniya at tumawa.
Napatango ako, kung ganoon. Safe naman pala na hindi kami magkikita ni Jairus.
"Bakit, kilala mo po ba ang mga nakatira dito?"
Agad aking napailing. Mahina akong tumawa.
"Naku, hindi po. Sa pangalan lang kilala."
"Oo nga, ngayon lang kita nakita."
"Galing ako sa Amerika, ngayon lang nauwi."
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...