Chapter 76

2.4K 80 27
                                    

Jairus Gael's P. O. V.

Pagbalik ko ng company, laking gulat ko nang batiin ako ng lahat ng empleyado. Papasok pa lang ako sa entrance ngunit halos lahat ata ng trabahador ay narito sa harapan ko at nagkumpol-kumpol.

"Welcome back, sir!"

"Good morning, sir and welcome back!"

Napakunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang ibig nilang sabihin, araw-araw naman akong bumabalik rito, pero anong ibig nilang sabihin?

"Let's all welcome, my son—Jairus Gael Alvarez. The CEO of Alvarez' Corporation." Napaawang ang labi ko nang marinig ang boses ni Mommy sa speaker ng bawat sulok.

Sa malaking screen monitor na kasinglaki ng tao, kitang-kita ko ang aking litrato. May video na shot pa ako. Halos mabingi naman ako sa lakas ng palakpak ng mga empleyado. Wala akong maramdaman kundi saya, dahil sa wakas ay makakabalik na ako sa aking trabaho, na kung saan ako nararapat.

"Thank you so much everyone. Sobrang speechless ko ngayon, but where's Mom?" sabi ko at tumingin sa paligid.

Unti-unting umatras ang mga empleyado hanggang sa makagawa ng tuwid na daan. Sa dulo noon ay nakatayo si Mommy at binigay ang Mic sa kaniyang secretary.

"Welcome back, my son!" Mom greeted me with a warm hug.

Napakunot ang noo ko, I wonder why she's in the mood today. Hindi na ba siya nagdadalamhati sa panloloko ni Dad sa pamilya namin?

"You surprised me, Mom."

"Then mission success. Here is where you truly belong, son. This company is in your hands now, and I know that you will take care of it."

"I will, Mom. Thank you for trusting me."

**********************

Mom and I talked in private. Napag-alaman kong pinaparusahan na ni Mommy si Daddy ngayon sa bahay, bumalik si Mommy sa poder ni Daddy. She doesn't want to break their marriage at nagmamakaawa si Dad sa kaniya. So, Mom is in control on everything now. I can see how powerful she is, knowing Dad is a strong and brave man. Ngayon sobrang tiklop niya kay Mom dahil sa ginawa niyang kasalanan.

Nagda-drive ako ngayon para sunduin si Seira sa kaniyang trabaho. I will ask her for a dinner date, gusto ko siyang ligawan officially. Gagawin ko ang lahat para makuha ko siya, para mapaibig ko siya. I can sense na gusto niya rin ako, at kailangan ko lang siyang i-pursue para tuluyan nang mahulog ang loob niya sa akin. I won't give up not unless mapasa-akin siya.

"Seira!" I called her from a far.

Mukhang nag-aabang siya ng masasakyan mula sa labas ng building kung saan siya nagtatrabaho.

"Jairus, bakit mo 'ko sinundo? Hindi naman ako nagpapasundo—" Bumaba ako ng sasakyan para pagbuksan siya ng pinto.

"Sakay ka na."

Hindi rin siya makatingin sa mga mata ko. Mukhang naiilang din siya, ako naman ay wala nang panahon para mahiya pa. Dapat akong kumilos. Bumalik ako sa driver's seat nang makaupo siya sa tabi ko.

"Oh, bakit ka dumiretso? Hindi ito daan pauwi—"

I cut her off.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon