Seira Anthonette's P. O. V.
Mababaliw na ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Jairus kagabi, at hindi rin ako makatulog kakaisip kung anong dapat kong gawin. Nakakaiyak, gusto niya maging ama ni Wayne pero hindi niya alam na siya talaga ang ama nito.
"Sh*t, mababaliw na talaga ako!" sigaw ko.
"SEIRA, GOSH! THE IRON! WAYNE'S UNIFORM IS BURNED!" sigaw ni Dorothy.
Agad akong napaatras. Tinanggal ni Dorothy ang plantsa sa uniporme ni Wayne. Napaawang ang labi ko nang makitang nasunog ko ito.
"S-Shocks... Hindi ko napansin," bulong ko at kinuha ang sunog na uniform.
"It looks like you're out of your mind. Ano bang tumatakbo sa isip mo? Look at your big eyebags, halatang napuyat ka, pero sabay lang naman tayo nahiga at natulog, right?" aniya.
"O-Oo..." napayuko ako.
Hindi ako nakatulog. Kung nakatulog man ako ay pagising-gising pa rin ako. Ngayon, kakaisip ko kay Jairus, pati ang uniform ni Wayne ay nadamay pa.
"Girl, are you okay?" Hinawakan ni Dorothy ang noo ko, tila ba chine-check kung may lagnat ako.
"Okay lang ako." Hinawi ko ang kamay niya.
Napabuntong hininga siya. Biglang pumasok si Wayne sa kwarto, nakatwalya lamang ito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang sunog sa kaniyang uniform.
"Mama, what happened to my polo? Why is there a whole in it?" tanong niya.
"We'll just buy another one, anak. Mama accidentally burned it." Nilagay ko na sa laundry basket ang sunog na uniform at kumuha ng isa pang uniform saka pinlansta.
"Come, Wayne. I'll dry you off," ani Dorothy.
Pinunasan niya ang katawan ni Wayne ng twalya pati ang buhok nito habang ako ay nag-plansta na ng maayos.
Nang matapos kaming gumayak ay narinig ko ang kaluskos sa kusina. Lumabas ako ng kwarto at laking gulat ko nang makita si Mama na nagpi-prito ng hotdog.
"Ma, bakit naman kayo ang nagluluto ng almusal, ako na po diyan," sabi ko.
"Aba, anak. Magaling na ako, sabi rin ng doctor na dapat magsanay ako maglakad-lakad. Tignan mo naitutukod ko na ng matagal ang paa ko," aniya.
Napabuntong hininga naman ako. Hindi ko na siya pinigilan, bagkus ay tinulungan ko na lang sa paghahanda ng almusal. Naupo kaming lahat sa hapagkainan ngunit nagtataka ako dahil anong oras na pero wala pa rin si Jairus.
Napalingon ako sa bintana at sumilip sa labas. Wala rin ang kotse niyang nakaparada sa aming gate. Mukhang akala niya ay ni-reject ko siya dahil hindi ako nakasagot kagabi, hindi niya alam na hindi ako makatulog dahil sa mga sinabi niya.
"Seira, kumain ka na. Napapatulala ka na naman," ani Dorothy.
Napatingin ako sa kaniya na tinutulungan kumain si Wayne. Napabuntong hininga ako at nagsimulang kumain.
"Mukhang malalim ang iniisip mo, Seira. Wala ka pa rin bang desisyon?" tanong ni Mama.
"Wala pa, Ma."
"Tita Sonya, sa sobrang lalim ng iniisip ni Seira—ayon! Sunog ang polo ni Wayne nung pina-plansta."
Natawa si Mama sa sinabi ni Dorothy. Napayuko naman ako sa kahihiyan, ang tanda ko na para umakto pa ng ganito.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...