Chapter 65

2.3K 93 15
                                    

Seira Anthonette's P. O. V.

"

Hindi niyo kasama si Jairus ngayon sa pagsundo kay Wayne, Parent?" tanong ni Teacher sa akin habang pumipirma ako sa record book.

Funny how she calls me parent, while sila Jairus ay mismong name lang. Halatang bet niya si Jairus.

"Busy siya ngayon," sabi ko sabay balik sa kamay niya ng record book.

"Ba-bye, baby Wayne. Ingat kayo pauwi ng Mama mo," ani Teacher.

Kumaway pa si Wayne bago tuluyang lumabas ng classroom at yumakap sa akin.

"Look, Mama. I have a star. Not just one but two stars!" masaya niyang sabi at pinakita ang likod ng kamay niya.

"Very good naman ang baby ko. Let's go home na?" ani ko at hinawakan ang kamay niya. Kinuha ko ang bag nito.

Lumakad na kami ngunit ilang sandali pa ay hinihila na niya ang kamay ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Napakunot ang noo ko.

"Why, anak?"

"Mama, can't we play in the playground for a while?" tanong niya.

"Maraming naglalaro, anak. Mainit pa—"

"Just for a while Mama. I had two stars naman. Can I get it as a reward?" tanong ni Wayne.

Napabuntong hininga ako at labag sa kalooban kong tumango. Kung saan siya sasaya. Mukha namang natututo na siyang bigyan ang sarili niya ng rewards.

Nagtungo kami sa playground. Tumakbo kaagad si Wayne kasabay ng ilang mga bata para maglaro sa playground. Mayroong malaking puno ng mangga sa gilid kaya doon ako tumayo para may silong. Habang ang anak ko ay naglalaro sa tirik na araw.

Napapunas ako sa aking pawis. Ako ang naglalagkit na makita ang batang basang-basa ang uniform dahil sa pawis. Takbo ng takbo at hindi matigil sa pagtawa. Napangiti ako nang bigla na lang sumagi sa isipan ko ang alaala ng nakaraan. Mga panahon na kaming dalawa ni Jairus ang naglalaro sa ilalim ng init ng araw. Naghahabulan na parang aso't pusa at uuwi na madungis dahil sa kakalaro kung saan-saan.

Agad akong nagising sa reyalidad nang mapansin kong gumuhit ang ngiti sa labi ko. Gusto kong sampalin ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ko pa ba naiisip 'yon? Hindi ko na dapat pa maalala ang mga 'yon.

"Wayne, are you done?" tanong ko.

Umiling ito bago magpadulas sa slide. Tinignan ko ang relo ko, malapit na mag-alas-dose. Tanghaling tapat na.

"Anak, tama na muna. Tanghali na. Hindi ka ba gutom?" tanong ko.

"No, Mama!" sigaw ni Wayne sabay takbo.

Agaw pansin naman ang isang nanay at tatay na pinapanood ang anak nila na maupo sa swing. Kinukuhanan pa ng ina ng bata ang anak nito ng litrato. Napaiwas ako ng tingin, nakaramdam ng inggit. Maswerte sila at may buong pamilya. Iyon naman ang hindi ko maibibigay kay Wayne, dahil kahit anong mangyare, hindi kami magiging okay ni Jairus.

"Wayne, tama na 'yan." Lumapit na ako sa kaniya na akmang aakyat pa sa slide.

"What time is it?" hingal niyang tanong.

Tumingin ako sa wrist watch ko. "Twelve o'clock na—"

"Okay, let's go, Mama."

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon