Seira Anthonette's P. O. V.
Nakatayo kaming lahat sa parking lot ng bar. Kita ko ang pamumula ng kamo ni Jairus, hawak ngayon ni Vinalyn ang kamay nito at alalang-alala sa kaniyang nobyo. Mas nag-alala pa siya kay Jairus kaysa sa akin na hinawakan ng lalakeng hindi ko naman kilala.
"Lipat na tayo ng bar," ani Gil.
"Sorry, pinalabas pa kayo dahil sa akin--"
"Hindi mo kasalanan, Seira. Dapat nga sila pa mag-sorry sa 'yo kasi binastos ka. P*tangina!" bulalas ni Jairus.
"Babe, calm down," ani Vinalyn sabay himas sa braso ni Jairus.
Napayuko ako. Muli akong nakaramdam ng selos. Noon ay ako pa ang nagco-comfort sa kaniya, samantalang ngayon ay may Vinalyn na sa tabi niya.
"Hindi talaga kakalma 'yang boyfriend mo. Binastos best friend niya, maski kami naiinis rin. Hayop na lalakeng 'yon," ani Raiko.
Napatingin ako kay Vinalyn, bakas ang pagkainis sa mukha nito.
"Sorry, uuwi na lang siguro muna ako. Kayo, try niyo sa ibang bar naman. Magpapahinga na ako," ani ko at inayos ang pagkakasakbit ng aking sling bag.
"Ihahatid na kita!" ani Jairus.
Akmang lalapitan niya ako pero hinila siya ni Vinalyn, nagkatinginan ang dalawa.
"Babe, babalik ako. Ihahatid ko muna si---"
"Si Raiko na lang maghahatid sa akin," ani ko at lumapit kay Raiko.
"Ayon pala, may maghahatid na kay Vinalyn. Raiko will send her home, you don't have to worry, Babe." Ramdam ko ang inis sa tono ng boses ni Vinalyn.
Napabuntong hininga ako. Kailangan ko tiisin ang lahat ng selos at sakit na nararamdaman ko, papanindigan ko ang sinabi ko kay Dorothy na hindi ako susuko.
"Sige, ako na maghahatid kay Seira."
Hinawakan ni Raiko ang balikat ko. Ngumiti ako sa kaniya, mabuti na lang at wala pang girlfriend ang mga ito.
"Pre, naka-motor ka kasi. Si Seira baka--" nagsalita na naman si Jairus.
"We can also send her home, naka-kotse naman kami ni Sammy," sabat ni Luis.
"Hindi na, Luis. Mag-enjoy na lang kayo ng baby mo. Ako na maghahatid kay Seira," ani Raiko.
"Oo, okay na ako. Enjoy kayo, ha? Uuwi na ako."
"Ihahatid ko muna 'to. Babalik ako!" ani Raiko.
Naglakad na kami patungo sa kaniyang motor. Bago ako magsuot ng helmet ay muli akong sumulyap kay Jairus, parang linta pa rin si Vinalyn na nakadikit kay Jairus.
Mapapasa-akin pa kaya si Jairus? Parang ang labo na...
**********************
Ilang linggo ang lumipas, tila ba pinapatay ako sa lungkot. Gabi-gabi ay iniisip ko kung susuko na ba ako, gayong ramdam ko ang alitan sa pagitan namin ni Vinalyn.
"Seira, pass na raw yung paper," ani Brian na katabi ko.
"H-Huh?" Nagising ako sa reyalidad.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...