Seira Anthonette's P. O. V.
Napaawang ang labi ko, dahil sa pagsulpot ng hindi ko kilalang babae. Napatitig ako sa kaniya, mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng bralette na black, dahilan para lumitaw ang kaniyang malaking suso at agaw pansin ang kaniyang cleavage. Mayroon siyang denim jacket at sling bag. Nakasuot din siya ng high-waisted shorts, kapansin-pansin ang maputi at makinis niyang legs.
Sino naman kaya ang babaeng 'to sa buhay ni Jairus? Marami pala talaga akong na-missed magmula nang umalis ako.
"Mercy, long time no see. How are you?" tanong ni Jairus at napangiti.
Napataas ang kilay ko, tila ba nakalimutan niyang nandito kami at kasama pa niya.
"Still gorgeous! By the way, you're with them?" Tumingin si Mercy sa amin ni Wayne dahil pinapanood namin sila. "Wait, pamilyado ka na pala?" takang tanong ni Mercy.
"No, I'm still single. She's my friend, Seira and her son." Hinawakan ni Jairus ang balikat ng anak ko.
Napalunok ako ng ilang beses, tila ba may kirot mula sa nakaraan. Muli akong nanliit, kagaya ng naramdaman ko kay Vinalyn noon. Ipinapakilala niya lamang ako, bilang isang kaibigan.
"Hi, Seira!" bati ni Mercy at kumaway.
Hindi ako nagsalita pero kinawayan ko siya pabalik.
"Ninong, is she your girlfriend?" biglang tanong ni Wayne.
Tumawa ang babae at humampas pa sa balikat ni Jairus. Nagkatinginan ang dalawa.
"Almost!" maarteng sabi ni Mercy.
Napatingin sa akin si Jairus, agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Obviously, lahat ng babaeng gusto niya ay kagaya lang pala ni Vinalyn. Maganda, elegante, maaarte, fashionista. Kaya pala hindi niya ako nagawang magustuhan, iyon pala talaga ang tipo niya.
"Uhhmm... Actually, dapat Arranged Marriage kami ni Mercy, pero na-turn off sa akin ang father niya dahil sa mga bad records ko. Hindi natuloy ang engagement."
Gusto kong magsalita, na pumayag nga siyang makipag-engage sa babaeng 'yon pero na-turn off lang ang Ama ng Mercy na 'yan? Ganoon ba ang ipinaparating niya? Sana hindi na siya nag-explain. Bakit pa niya kailangan sabihin 'yon? In the first place hindi ko tinatanong.
"But now, Ninong? You don't have any girlfriend?" tanong pa ni Wayne.
Hinawakan ko ang braso ni Wayne para sawayin siya kakatanong.
"Anak, stop asking---"
"Wala, ayoko na kasi mag-girlfriend since nawala yung babaeng mahal ko noon." Napatigil ako sa sinabi ni Jairus.
Hindi ko lang matanggap, bakit pa ako nasasaktan? Ano ngayon kung dahil kay Vinalyn lahat? Hindi naman ako dapat pang magselos sa kaniya, ang tagal na noon. Pero ang kapal ng mukha niyang sabihin sa harapan ko na ayaw na niyang mag-girlfriend dahil naghiwalay na sila ni Vinalyn?
"I heard that your ex fiancee got engaged in Italy," ani Mercy.
So, kilala niya din pala si Vinalyn?
"Well, she deserves to be happy." Napatingin ako kay Jairus.
Gusto ko na lang umalis dito.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...