Seira Anthonette's P. O. V.
Habang naglalaro sa sala si Wayne ng mga laruan na binigay ni Jairus ay nagawa kong mapaliguan si Mama at malinis ang kaniyang mga sugat na gumagaling na. Bigla namang dumating si Kuya Benjie na may dalang basket ng prutas.
"Bunso!" sigaw ni Kuya Benjie habang nagsasampay ako ng mga twalya na ginamit ko kay Mama.
"Kuya!" sinalubong ko siya sa gate.
Niyakap ako ni Kuya ng mahigpit at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.
"Wayne, bless ka na sa Tito mo," utos ko sa kaniya na abala sa paglalaro.
"Uncle Benjie!" Lumapit si Wayne at nagmano sa kaniyang Tito.
"Nasaan si Mama?" tanong ni Kuya.
"Nasa kwarto, kakatapos ko lang mapaliguan. Nag-lunch ka na ba? Magluluto pa lang kasi ang ng tanghalian, dito ka na kumain." Ngumiti ako kay Kuya.
"Sige, Bunso. Puntahan ko muna si Mama. Tulungan kita sa kusina, sandali lang."
Tumango ako at hinatid si Kuya sa kwarto ni Mama. Dumiretso naman ako sa kusina at naglabas ng mga sangkap para sa sinigang na baboy. Pinakuluan ko na ang mga baboy na chop-chop habang naghihiwa ako ng sitaw.
"Mama, Dada is calling!" sigaw ni Wayne.
Napalingon ako sa kaniya na dali-daling tumatakbo papalapit sa akin dala ang aking cellphone.
"Thank you, anak. Click the accept call button. Madumi ang kamay ni Mama," ani ko.
Sumunod siya at nakita kong muli si Iver, nakasuot lamang siya ng sando at mukhang bagong paligo dahil basa ang kaniyang buhok.
"Seira, sorry I've been busy. I'm trying to finish all my works so by next week I'll book a flight and go there."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"A-Ano? You're really going here, in the Philippines?" tanong ko pa.
"Yup, I missed you and Wayne. Maybe we can visit a nice places in the Philippines. What do you think, Seira?"
Napatingin ako sa niluluto ko. Hininaan ko ang apoy at muling tumingin sa cellphone ko.
"Mama si cooking our lunch," ani Wayne.
"Ow! Baby Wayne, you're the one holding the phone?" tanong ni Iver.
"Yes, Dada. Mama's hands are dirty. I heard you will come here, Dada?" bakas ang excitement sa boses ni Wayne.
"It should be a surprise for you, I didn't know you're there!"
"It's okay, Dada. I really want to see you too. I miss you and your cotton candy." Napa-pout pa si Wayne at hinarap sa kaniya ang cellphone.
"Iver, I'll finish this first. Magkwentuhan muna kayo ni Wayne," ani ko.
"Sure, but Seira. I can see your sweats. You should take a rest too, don't pressure yourself too much," ani Iver sa video call.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...