Seira Anthonette's P. O. V.
Habang naglalaba ako dito sa likod ng aming bahay kung saan karugtong ng dirty kitchen. Pakiramdam ko ay nagmamanhid na ang kamay ko kakapiga ng mga damit na galing sa washing machine na hinahagis ko sa batya na may malinis na tubig.
"Seira, anak?" tumayo ako para puntahan si Mama.
"Po?"
"Hindi ka pa pala nagsa-saing? Hindi naka-bukas ang kalan pero may lamang bigas 'tong kaldero!" ani Mama.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Sa sobrang lutang ko at sa dami ng iniisip ko, nakalimutan kong buksan ang kalan.
"S-Sorry po, nakalimutan ko po," ani ko.
"Oh siya, hayaan mo na. Mabilis namang maluto ito. Nasaan na yung pinrito mong longganisa?" tanong ni Mama.
"Nasa lamesa na po," ani ko.
"Mabuti ka pa napapakinabangan ko at nakakatulong sa akin. Samantalang ang kuya mo walang binigay kundi sakit sa ulo."
Ayan na naman si Mama at nagrereklamo tungkol kay kuya. Ang akin lang, palagi pa niya binabanggit si Kuya, hindi naman maganda ang sasabihin niya.
"Kapag nainin ang kanin, sumabay ka na sa akin kumain."
"Opo, Ma."
Bumalik ako sa labas para ipagpatuloy ang paglalaba. Ilang sandali lang ay tinawag na ako ni Mama, kaya bumalik rin ako sa kusina. Naghugas ako ng kamay at kumuha ng kutsara.
Naupo ako sa tapat ni Mama. Habang nagsasandok ako ng kanin ay biglang tumunog ang gate nila Jairus. Nakita ko ang puting sasakyan, iyon ang kotse ng magulang ni Jairus.
"Nandyan na pala sila Jennifer at Jeffrey. Kaganda ng sasakyan. Anak, kapag nakatapos ka, bumili ka rin ng ganiyan, ha? Nang makapasyal naman tayo," ani Mama.
Napayuko ako. Heto na naman siya para diktahan ako sa magiging desisyon ko sa buhay.
"Opo, Ma."
"Napakaswerte nung mag-asawang 'yan, akalain mong nabuhay pa nila yung nabaon sa utang na negosyo ng magulang ni Jeffrey."
"Ma, baka may makarinig sa 'yo," saway ko.
"Ano naman? Nakatulong nga tayo sa kanila noong binili natin 'tong lupa. Iyon kaya ang naging puhunan nila. Mabuti na nga lang at mabait sa 'yo si Jairus, tinuturing din akong kumare ng nanay niya."
"Mabait naman kasi yung pamilya nila Jairus," ani ko habang kumakain.
"Oo nga, sadyang hindi lang tayo nagkikita-kita."
"Opo, busy kasi sila. Nung nakaraan lang nag-business trip daw sabi ni Jairus."
Kumuha ako ng tubig, naalala ko ang ginawa namin sa bahay nina Jairus noong wala ang magulang niya.
"Nga pala, sembreak mo na. Tama ba?"
"Opo, next week po ang balik pagkatapos ng undas."
"Punta tayo sa Papa mo."
"Opo."
Nang matapos kaming kumain ni Mama ay iniwanan nang muli nito ang pinagkainan niya, tuwing wala akong pasok, ako talaga pinaggagawa niya ng gawain. Pero kapag siya lang mag-isa dito at may pasok ako, siya din lahat kumikilos.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...