Jairus Gael P. O. V.
Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Isang linggo na akong nababaliw kakahanap kay Seira, dahil isang linggo na rin siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Minsan ay nakikita ko na lang ang sarili kong umiiyak, hindi ko kailan man kinaya na hindi siya kausapin sa loob ng isang araw. Sampung taon, hindi ko akalain na mawawala na lang siya bigla.
Narito ako ngayon sa tapat ng pinto ng bahay nila Seira, nagbabakasakali na kakausapin na ako ni Tita Sonya matapos niya akong palayasin kahapon dahil sa kakatanong ko kung nasaan si Seira. Tila ba naglayas siya, galit sa kaniya si Tita Sonya. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin, kung pwede ko naman siyang ampunin na lang, dito na lang siya sa bahay.
"Tita Sonya!" sigaw ko at muling kinatok ang pinto.
Ilang minuto na akong nakatayo rito. Pakiramdam ko maiiyak na naman ako dahil hindi ako mapakali. Kailangan ko malaman kung nasaan siya, kung may problema ba, kung napaano na ba siya, at kung anong lagay niya ngayon?
"Tita Sonya, please po--"
Biglang bumukas ang pinto. Napaatras ako sa sama ng tingin sa akin ni Tita Sonya.
"Umalis ka na."
"Tita, mag-file na tayo ng missing. Ako na pong bahala sa reward, kahit magkano---"
"Wala na nga si Seira! Hindi na babalik ang batang 'yon."
Tila ba wala lang sa kaniya ang sinabi niya. Gusto ko siyang sigawan, na paano niya nakakayang wala sa tabi niya ang mga anak niya. Noong una mahal na mahal niya si Seira pero ngayon kagaya na lang din ni Seira ang kuya niyang si Benjie?
"Tita, ako na lang po ang magfa-file ng missing--"
"Tumigil ka na. Huwag mo nang guluhin pa ang anak ko. Hinahanap na niya ang sarili niya at nagpapakatino!" sigaw nito.
Napakunot ang noo ko. Hindi pa ba matino ang tingin niya kay Seira? Ibang-iba si Seira sa kuya niya, tapos hahayaan lang ni Tita na umalis si Seira?
"Sabihin niyo na lang po kung nasaan siya, ako na pong susundo sa kaniya--"
"Wala akong alam kung nasaan siya. Bakit ba sobrang kulit mong bata ka? Hindi ka ba talaga titigil!?" sigaw nito.
Niyukom ko ang kamao ko. Ayoko mawalan ng galang sa kaniya dahil siya ang nanay ng babaeng minamahal ko, pero sumosobra na siya.
"Ako, kaibigan niya lang pero hindi ako tumitigil hangga't hindi ko siya nahahanap. Samantalang ikaw, Tita Sonya. Ina ka ni Seira pero parang wala lang sa 'yo ang pagkawala niya sa loob ng isang linggo, kung kay kuya Benjie ayos lang sa inyo---"
Naramdaman ko ang pagtama ng palad ni Tita Sonya sa aking pisngi. Napapikit ako ng mariin sa sakit.
"Wala ka bang galang!? Alam ko ang ginagawa ko bilang ina! Hindi sa lahat ng pagkakataon nandito ako para gabayan sila, kaya kailangan nilang tumayo sa sarili nilang mga paa. Malalaki na sila, alam nila ang ginagawa nila."
Bago pa man ako makapagsalita ay mabilis niyang sinarado ang pinto. Tuluyang bumuhos ang luha ko. Mukhang kahit anong gawin ko, ganoon talaga. Hindi ko pwede pangunahan si Tita Sonya, tama naman siya. Siya ang ina.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...