Seira Anthonette's P. O. V.
Kinabukasan, habang nagkakape ako sa labas ng bahay at nakatitig sa mga halaman ni Mama na ngayon ay namumulaklak na. Hindi mawala sa isipan ko ang nangyare kagabi, kung paano nila ako i-push kay Iverson. Gusto kong sabihin na huwag na nila akong itulak na magustuhan si Iverson dahil wala talaga siyang pag-asa, hindi ko lang sinabi dahil ayokong mapahiya si Iverson.
Napabuntong hininga ako, kasabay noon ang pagtawag sa akin ni Jairus mula sa gate ng bahay. Hindi ko namalayan na naroon pala siya.
"Jairus..."
Tumayo ako para pagbuksan siya ng gate. Napansin ko naman ang ganda ng kaniyang porma, tila ba may lakad siyang pupuntahan.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
"Hindi ba ngayon i-eenroll si Wayne?" tanong ni Jairus.
Napakamot ako sa batok ko, wala akong maalala na pinag-usapan namin na ngayong araw i-eenroll si Wayne.
"Teka, saan pala siya i-eenroll? Isa lang ang school na pinakamalapitt dito sa atin ay yung Claret School, diyaan lang 'yon. Kaso medyo mahal ata doon pero kaya naman ng budget ko---"
"Kung sa pera lang sagot ko na."
Napataas ang kilay ko.
"Hindi na, kaya ko naman pag-aralin ang anak ko."
"Sige, ikaw naman yung nanay," aniya at tipid na ngumiti.
Tumango ako sa kaniya. Mabuti naman at natututo na siya ngayon.
"Seira."
Sabay kaming napalingon ni Jairus sa pinto, naroon si Iverson at mukhang kakaligo lang. Sanay talaga siyang kapag nagising diretso ligo.
"Good morning," bati ko kay Iverson.
Ngumiti ito at naglakad papalapit sa akin.
"Good morning," aniya at hinawakan ang beywang ko. "What made you come here again?" tanong ni Iver kay Jairus.
"We're talking about the schools available near here. For Wayne's enrollment." Sumeryoso ang mukha ni Jairus habang nakikipag-usap kay Iverson.
"Right, I will just talk to his last school attended to pull out his forms." Tumingin sa akin si Iverson.
"Thank you, but I have spares copy of his personal files that might be needed. Like his birth certificate, forms from his school, school card and his I.D."
"Photocopy or original?" tanong ni Jairus.
"Original."
"Photocopy lang naman siguro ang kailangan, mahirap i-pull out and original copies."
Napatango ako, tama si Jairus. Kailangan i-photocopy ang mga iyon dahil mahirap na mawala ang original copies sa akin.
"Sige, ipapa-photocopy ko na lang 'yon," ani ko sa kaniya.
"Ako na, may printer kami, 'di ba?" nakangiting sabi ni Jairus.
Napakamot ako sa batok ko, kahit anong iwas ko sa paghingi ng tulong sa kaniya. Pakiramdam ko tadhana mismo ang naglalapit sa amin. Nawala sa isip kong may printer sila at pwede ang xerox.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...