Seira Anthonette's P. O. V.
Tumulong ako sa paglalagay ng pizza sa lamesa. Naglabas ako ng soft drinks saka naglagay sa pitsel since wala silang maid dito, ako ang tumutulong kala Jairus.
"Wait! Nandito na raw si Vinalyn. Sunduin ko lang sa labas," ani Jairus at kumaripas ng takbo.
Nabitawan niya pa ang mga basong ilalabas niya. Kinuha ko ang mga iyon mula sa lababo at nilagay sa lamesa.
"Kilala mo ba yung girlfriend ni Jairus?" tanong ni Tita at naupo sa hapag.
"O-Opo, pero hindi ko siya kaklase, hindi rin po kaklase ni Jairus dahil magkaiba sila ng room, pero pareho po silang entrepreneurship ang course," ani ko.
"Ikaw, Accountancy ka, 'no?" ani Tito.
"Opo."
Bigla namang bumukas ang main door. Nakita ko si Jairus na nakaakbay pa kay Vinalyn habang papasok sila dito sa loob ng bahay. Napaiwas ako ng tingin, ngayon hindi lang ako ang inaakbayan ni Jairus kundi ang girlfriend na niya.
"Good afternoon po, Tita, Tito!" masiglang bati ni Vinalyn.
Nanatili akong nakatayo sa dulo ng hapag habang pinapanood ko si Vinalyn na makipag-beso kala Tita Jennifer at Tito Jeffrey. Napakaganda niya, mayroon siyang kulay blue na headband, kumikinang ang kwintas at hikaw niya. Kitang-kita naman ang kurba ng katawan niya sa light blue niyang dress.
"What a gorgeous lady, your name, iha?" ani Tita Jennifer.
"Vinalyn po."
"Vinalyn, take a seat. Mag-meryanda tayo habang nagkukwentohan," ani Tito.
Naupo si Vinalyn. Napansin niya naman ako at ngumiti pa siya sa akin. Naupo ako sa dulo ng hapag, tumabi sa akin si Jairus habang katabi niya naman si Vinalyn sa kabilang gilid niya. Sa tapat namin nakaupo ang mag-asawa.
Mukhang pati loob ng magulang ni Jairus ay agad na nakuha ni Vinalyn, paano naman ako?
"What's your surname, Vinalyn?"
"Vinalyn Mae Gutierrez."
"What's your parents works?"
"Seaman po si Dad, mayroon namang beauty salon si Mommy," aniya.
Kinuha ko ang pizza at kinagat ito. Dito ko na lang binaling ang atensyon ko, hindi ko na kaya makita at marinig si Vinalyn, mas lalo ang nanliliit dahil sa mga sinasabi niya.
"Seaman, Honey. Hindi ba iyon yung first dream mo?" ani Tita.
"Oo nga, pinangarap ko mag-seaman. But I am happy to be a business man now."
"Ako rin magiging business man, soon," mayabang na sabi ni Jairus.
"Mabuti 'yan, Jairus. Mag-aral ka ng mabuti. Palagi ka magpapatulong kay Seira." Napatingin ako kay Tita.
"Actually, Ma. Si Seira din yung tumulong sa akin at nag-encourage na ligawan ko si Vinalyn."
Ngumiti sa akin si Jairus, iyon ang pinagsisisihan ko. Sana hindi ko na lang siya sinuportahan, sa takot kong baka mawalan ako ng pakinabang sa kaniya at isipin niyang hindi ako tunay na kaibigan.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...