Jairus Gael's P.O.V.
Pagkahatid namin ni Seira kay Wayne ay nakaramdam na kaagad ako ng kaba, takot, at pagkabagot. Nasa rest house ngayon si Dad, bahay na katabi ng bahay nila Seira ngayon. Parang ayoko umuwi, paniguradong hahagupitin ako ng aking ama.
"Nandito na tayo..." walang gana kong sabi at hininto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin at nila Seira.
"Salamat sa paghatid, ako na rin ang bahalang sumundo kay Wayne mamaya."
Tumango ako sa kaniya, hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Dad kanina sa call bago kami umalis ni Seira sa school. Natatakot akong sesantihin mismo ako ng sarili kong ama.
Napabuntong hininga ako at tinanggal ang seatbelt ko. Pinanood kong bumaba ng sasakyan si Seira. Ako naman ay lumabas din para buksan naman ang gate ng bahay dahil ipa-parada ko sana ang kotse ko sa garahe ngunit nagulat ako nang makitang naka-park doon ang kotse ni Dad.
"Nandito nga siya..." bulong ko.
Tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay. Sinalubong ako ng kasambahay para kuhanin ang sapatos ko.
"Sir, narito po ang Papa ninyo," aniya.
"Yeah, I know. Nasaan ba siya—"
"Narito lang naman ako, Jairus." Narinig ko ang footsteps sa hagdanan, napatingin ako roon at nakita ko ang aking ama suot ang kaniyang polo at trouser shorts. Nakapamulsa habang naglalakad pababa ng hagdanan.
"Yaya, can you leave for a minute, mag-uusap lang kami," sabi ko sa katabi kong kasambahay. Sumunod naman siya at kaagad na lumabas ng bahay.
Pagkasarado ng pinto ay agad na lumapit sa akin si Dad. Madilim ang awra nitong hinawakan ang kwelyo ko.
"What the f*ck are you thinking!?" sigaw nito sa pagmumukha ko.
Napapikit ako at yumuko. Wala na akong ipaglalaban pa dahil alam kong mali ako.
"I-I won't do it again..." bulong ko.
"Dalawang linggo nang naka-schedule ang meeting mo with Mr. Lu and Mr. Ho! Ngayon lang tayo magkakaroon ng investors from China pero sinayang mo!" Tinulak ako ni Dad. Tumama ang beywang ko sa sofa na nasa likuran ko.
"Sorry, Dad. Nawala sa isip ko na ngayong umaga pala yung meeting."
"Damn it! Ilang beses kitang tinatawagan, Jairus! Why are you ignoring my calls, huh? Ano bang pinagkakaabalahan mo? Naglalakwatsa ka ba? Umiinom? Nambababae? Kaya hindi ka magkaroon ng magandang buhay at sarili mong pamilya dahil sa ugali mo! Malapit ka na mag-trenta anyos, pero tatanda kang mag-isa—"
"Enough, Dad! Importante ang nilakad ko!" sigaw ko pabalik dahil hindi ko na kinakaya ang mga binabato niyang salita.
Sarili kong ama napagsasalitaan ako ng ganito. Imbis na i-cheer up ang nag-iisa niyang anak. Nagawa niya pang ilubog ako lalo. Gusto ko na lang maglaho sa mundong 'to, tutal wala naman akong ginawang tama.
"Ano? Ha? Ano 'yang lintek na nilakad mo!?" sigaw niya at dinuro pa ako.
"Hinatid ko yung anak ni Seira sa school dahil first day of school niya! Nangako ako sa bata na ako ang maghahatid sa kaniya—"
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...