Chapter 73

2.3K 77 21
                                    


Seira Anthonette's P. O. V.

Hindi kami hinatid ni Jairus ngayong araw. Nag-tricycle lang tuloy kami ni Wayne, pero nag-aalala pa rin ako sa kaniya. Matindi ang sinapit niya, mula sa pamilya niya at may sugat pa siya ngayon dahil sa sunog kahapon.

"Hayst..." Napabuntong hininga ako.

"Mukhang malalim iniisip mo, Seira." Napalingon ako sa aking likod nang marinig ang boses nang aming manager.

"Ma'am Haidi!" agad akong yumuko upang magbigay galang.

"Is there a problem with your work? Ayoko nahihirapan ang mga empleyado ko sa aking department. Pwede kayo bumili ng kape sa labas but I want everyone to finish their works."

Napangiti ako sa kabaitan ng boss namin. Napakamot ako sa batok ko, hindi naman kasi tungkol sa trabaho ang iniisip ko—kundi si Jairus. Hindi mawala sa isip ko kung ano nang lagay niya ngayon, ayoko namang i-text.

"Okay lang po ako, Ma'am. Iniisip ko lang mamaya kung pwede ako mag-undertime kasi yung anak ko walang susundo sa kaniya sa school," sabi ko.

"If you can submit the excel sheet to my email before lunch, then you can go home."

Napangiti ako at agad na hinawakan ang mouse ng computer. Tila ba nabuhayan ako ng dugo magtrabaho.

"Maraming salamat po, Ma'am Haidi!"

"No problem." Lumakad ito palayo.

******************

Sinundo ko na si Wayne sa school pagsapit ng lunch. Habang pumipirma ako sa record book ni Teacher Pearl ay pansin ko ang pagmamasid niya sa labas ng classroom. Mukhang hinahanap na naman niya si Jairus.

"Yes, Ma'am?" irita kong sabi.

"I'm just wondering... Kung nasaan si Jairus? He left me on read so I thought I said something wrong," naiilang niyang sabi.

"He's busy at work." Tumingin ako kay Wayne at sumenyas sa kaniya na uuwi na kami, busy pa kasi itong magligpit ng crayons niya.

"Anong work niya?"

"Confidential," sabi ko at tipid na ngumiti.

Nang lumapit na sa akin si Wayne ay hindi na ako nagpaalam sa kaniya. Tinalikuran ko na siya sa sobrang inis ko, mabait lang naman kasi siya kay Jairus at Iverson, hindi sa akin.

"Mama, where's ninong?" tanong ni Wayne.

"Hhmmm... He's at work, I guess. Kaya magco-commute muna tayo today, okay lang ba?" tanong ko.

"Of course, Mama. But can we buy a cotton candy first? Please..." May halong lambing ang boses nito kaya agad akong bumigay.

Bumili kami ng cotton candy sa tapat ng school kung saan may vendors. Mukhang nire-renovate na rin ang building sa tapat ng school ni Wayne na nasunog. Kamusta na kaya ang sugat ni Jairus?

Sumakay na kami ng tricycle at umuwi. Pagdating sa bahay ay gulat pa si Mama nang makita ako dahil ang alam niya ay nasa trabaho ako.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon