Seira Anthonette's P. O. V.
Napatitig ako sa kisame. Naninibago ako sa sarili, noong una ay akala ko normal lang pero paulit-ulit kong tinatago kay Mama ang pagsuka ko tuwing umaga. Wala naman akong sakit, wala akong lagnat. Wala akong ibang nararamdaman.
Napatingin ako sa kalendaryo. Nabitawan ko ang bag ko sa kama nang mapagtanto kong late ang menstruation ko, which is hindi naman dapat dahil regular ako nagme-mens, monthly.
"N-No..." napailing ako.
"Seira!" Napatalon ako sa gulat nang makita si Mama sa pinto ng kwarto ko. "Oh, para kang nakakita ng multo. Pumasok ka na, anong oras na."
"O-Opo, Ma..." napayuko ako at kinuha ang aking bag.
"Bakit hindi kayo magkasabay ni Jairus?" tanong ni Mama.
"A-Ano po, sinundo niya yung girlfriend niya."
"Nagbibinata na si Jairus, ha?"
Ngumiti ako ng tipid saka lumabas sa aking kwarto. Hindi mawala sa isip ko ang pakikiramdam sa sarili ko, kung bakit wala pa rin akong menstruation. Imposibleng buntis ako, hindi ako buntis.
*************
Lumulutang ang isip ko buong araw, pakiramdam ko walang pumapasok na lessons sa utak ko, malapit pa naman ang finals. Kailangan ko mag-aral pero hindi ako makapag-focus. Hindi mawala sa isip ko ang pagka-delay ng regla ko. Hindi nga kaya buntis ako ngayon?
"Seira, pwede ba ako makiusap?"
Napatigil ako sa pag-iisip nang lumapit sa aking ang kaklase kong si Veronique. Minsan lang siya pumasok dahil single mother siya.
"Ano 'yon?"
"Baka naman pwedeng ikaw na mag-pass nito kay Mr. Alejandro, ayaw ako pansinin nila Shiela... Kailangan ko na kasi umalis."
"Bakit ka aalis? A-absent ka na naman?"
"Seira, kasi bakuna ng anak ko. Hindi 'yon mapapatahan nila Mama. Kailangan daw ako, baka pwede makiusap. Strikto kasi si Mr. Alejandro, alam mo naman nambabagsak 'yon."
Napabuntong hininga ako, kinuha ko pa rin ang papel na hawak niya. Ngumiti siya sa akin.
"Maraming salamat, Seira!"
Akmang aalis na siya pero hinila ko ang blouse niya. Napatingin siya sa akin.
"Paano mo nalaman na buntis ka noon?" hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong sa kaniya.
"B-Bakit?"
"Gusto ko lang malaman."
"Nag-pregnancy test ako last year. Una na ako, Seira."
Nabitawan ko ang blouse niya, tuluyan siyang umalis. Napayuko ako. Iniisip ko kung dapat rin ba akong gumamit noon, gusto ko maniwala na hindi ako buntis, naging maingat si Jairus, alam ko 'yon.
"Bell na, hindi ka pa ba tatayo diyan?" Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Jairus sa harapan ko.
"Sinusundo mo na naman yung girlfriend mo," pang-aasar ni Shiela kay Jairus.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...