Jairus Gael's P. O. V.
Ngayong araw, hawak ko ang maganda at mamahaling Louis Vuitton beige hand bag. Dumating na ang order ko mula sa Paris. Sinadya ko ito dahil ngayong araw ang birthday ni Seira, at mabuti na lang nakaabot ang bag. Kinakabahan pa ako dahil baka ma-late ang delivery. Halos ubusin ko na ang natitira kong savings para dito, gusto ko makita ni Seira na handa ko ibigay sa kaniya lahat, mapa-bagay man o hindi. May surpresa pa sana ako pero kailangan ko muna itanong kay Tita Sonya.
"Wow! Thank you baby boy ko!"
Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Seira. Sobrang lakas ng sigaw niya na puno ng galak. Sa sobrang curious ko ay binitawan ko ang bag saka lumabas ng bahay. Nakapamulsa ako habang naglalakad dire-diretso papasok sa bahay nila Seira.
"Knock! Knock!" sigaw ko.
Napatingin sa akin si Seira. Nagulat ako nang makitang may hawak na plato si Wayne, nakalagay ang tatlong pirasong cupcake habang may nakatusok ang bawat isa na kandila. Umuusok ito at mukhang hinipan na ni Seira.
"Oh, Jairus. Nandito ka pala. Sumabay ka na sa amin mag-umagahan," bati sa akin ni Tita Sonya.
Napangiti ako at hindi nagdalawang-isip na pumasok sa bahay nila. Nagmano ako sa kaniya habang nakaupo ito sa sofa. Napansin ko namang nawala ang saya ni Seira nang makita ako.
"Ninong, do you know that today is Mama's birthday?" tanong ni Wayne habang nakasuot pa ng pantulog.
Napatingin ako kay Seira. Walang emosyon ang kaniyang mukha.
"Of course I know. Kaya nga ako pumunta dito para batiin siya. Happy birthday, Seira." Akmang lalapitan ko si Seira pero agad niyang hinawakan si Wayne.
"Let's go, itago na natin 'yang cupcakes mo sa ref. Tapos maligo ka na kasi may pasok ka pa," sabi ni Seira.
"Okay, Mama!" Mabilis na sumunod si Wayne sa kaniya.
Napalunok ako ng ilang beses, muli na naman niya akong iniwasan. Hanggang kailan ko kaya kailangan iparamdam sa kaniya na mahal ko siya at handa ako maging step father ng anak niya. Kahit anong gawin ko, parang wala lang sa kaniya.
Napabuntong hininga ako at umupo sa tabi ni Tita Sonya dahil nakita kong nagtungo na sa banyo ang mag-ina.
"Oh, mukhang may problema ka? Ang lalim ng paghinga mo," puna sa akin ni Tita Sonya.
Ngumiti ako kay Tita Sonya.
"Naku, ano lang po. Iniisip ko kung..." Bahagya kong nilapit ang labi ko sa kaniyang tenga. "Pwede po ba ako magpadala ng catering service para sa lunch mamaya. Papuntahin na rin po natin sila Kuya Benjie. Salu-salo lang para sa celebration ng birthday ni Seira. Naghihintay po kasi ako kung may ganap pero parang wala naman siyang plano," bulong ko kay Tita Sonya.
"Magandang ideya 'yan. Kung hindi lang ako nagkasakit, magluluto sana ako. Hayaan mo at malapit naman na tanggalin ang simento sa paa ko. Ngayon, kausapin mo si Seira kung papayag siya sa catering," ani Tita.
"Surprise po sana." Napayuko ako. Parang hindi agad na-gets ni Tita na surprise yun.
"Ha? Paano?" takang-tanong ni Tita.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...