Chapter 50

4.1K 134 19
                                    


Seira Anthonette's P. O. V.

Nang matapos kaming kumain ay inayos ko na ang mga plato para hugasan sa lababo, nang si Jairus ay bigla na lamang tumayo saka hinawakan ang braso ko. Napatigil ako at napatingin sa kaniya.

"Ako na mag-uurong, pagbihisin mo na si Wayne. Ang dumi na ng damit niya," aniya sabay tingin kay Wayne na tapos nang kumain.

"Kaya ko naman, umuwi ka na sa inyo para makapagpahinga ka na. Mukhang napagod ka sa gala niyo ng anak ko," ani ko.

Mahina siyang tumawa na parang nang-aasar pa.

"Baliw, hindi ako napagod. Nag-enjoy nga ako. Masaya kasama si Wayne, parang ikaw."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Inagaw niya ang hawak kong plato kaya wala akong nagawa dahil dumiretso siya sa lababo. Napatingin ako sa kaniya habang naghuhugas siya ng plato.

Hindi ko siya maintindihan, bilang kaibigan pa rin ba itong mga 'to? Hindi na siya nagbago, kung ano ang ugali niya noon, ganoon pa rin. Mabulaklak pa rin ang mga salita niya, pati ang kilos niya. Mas naging gentleman lang siya ngayon kaysa noon.

Gustong-gusto ko siyang itaboy, saktan, sigawan. Sobrang nasaktan ako noon, pero ngayong puro kabutihan lang ang ipinapakita niya. Parang sinasaksak ko lang ang sarili ko.

"Si Wayne, buddy..." lumingon ito sa akin.

"A-Ah... Oo."

Lumapit ako kay Wayne at hinawakan ang kamay niya. Dinala ko siya sa kwarto para bihisan.

"Mag-wipes ka ng katawan mo, hindi na kita papaliguan baka sipunin ka at gabi na," ani ko habang tinatanggal ang damit niya.

"Yes, Mama. Are you still mad at me? Dahil po sumama ako kay Ninong?"

Napatigil ako sa paghuhubad sa kaniya. Napayuko ako, ngayon pati siya ay naiisip niyang galit din ako sa kaniya dahil sa galit ko kay Jairus.

"H-Hindi, anak. Mama is just worried because I love you so much and I can't lose you."

Pinunasan ko ng wipes ang kaniyang mukha pababa sa kaniyang leeg.

"Mama, Ninong loves me too. He protected me like how you did."

Napabuntong hininga ako, hindi pa niya alam na ama niya si Jairus pero grabe na ang pagtatanggol niya sa kaniyang Ama.

"I know, he's my friend. Of course he will cherish you too. Saan ba kayo nagpunta bukod sa intramuros?" tanong ko.

"We went to the Mall. We ate burger and bought my favorite rubber shoes."

"Anak, lahat ng makita mo, favorite mo agad."

"Because it's blue."

"Right, taas ang kamay, punasan natin ang kili-kili ng baby!"

Sumunod siya at natatawa pa habang pinupunasan ko siya.

"Paamoy nga kung mabango na?" ani ko at nilapit ang aking mukha sa kili-kili niya.

"Hhmmm! Amoy baby boy ko!" ani ko.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon