Seira Anthonette's P. O. V.
Lumipas ang ilang linggo.
"Ang saya kaya, feeling ko perfect na perfect na lahat," ani Jairus habang naglalakad kami sa kalsada patungo sa kanto kung saan sakayan ng trycicle.
"Hhhmmm, baka feeling mo lang. Hindi ko nga alam paano nagkagusto sa 'yo si Vinalyn," natatawa kong sabi para maitago ko ang sakit na nararamdaman ko.
Nagulat naman ako nang akbayan niya akong muli. Napatigil kami sa paglalakad.
"Ikaw, kapag dumating yung araw na nagkaroon ka ng boyfriend. Kasama rin dapat ako. You witnessed my love life so, I should witness yours too," aniya habang nakatitig sa mga mata ko.
"A-Ano ka ba!? Busy ako, wala pa akong balak mag-boyfriend," ani ko at tinanggal ang kamay niya sa balikat ko.
Nauna akong naglakad, pero hinabol niya ako. Ayoko nang maramdaman na may pag-asa ako sa kaniya dahil alam kong wala na talaga, ngayon pang settled si Vinalyn sa pamilya ni Jairus.
"Bakit, lagi ka nga nagpapaganda kaya para kanino 'yon?" mapang-asar niyang tanong.
"Para sa sarili ko, okay? Gusto ko maging maganda, maging pormal sa paningin ng lahat ng tao sa mundo. Okay na?" ani ko.
"Sasakay kayo?" ani ng trycicle driver.
Tumango ako at naunang sumakay, tinabihan naman ako ni Jairus.
"Bakit nga pala hindi mo sinundo si Vinalyn ngayon?" tanong ko dahil himala na lang na naabutan ko siyang nakahiga sa sofa namin kanina habang gumagayak ako.
"Maaga siyang pumasok, may kailangan daw siyang asikasuhin kasama ang groupmates niya. Sabi naman ni Mama, hahanap daw siya ng hired driver, pero sabi ko ayoko. Ikuha na lang nila ako ng lisensya. Twenty-three na ako, wala pa akong license."
"Kawawa ka naman," tangi kong nasabi.
Tumawa ito at ipinatong ang kaniyang palad sa hita ko. Napatingin naman ako sa kaniya.
"Mamaya, milktea tayo."
Napakunot ang noo ko, bihirang mag-aya si Jairus. Himala na aayain niya akong mag-milktea.
"Libre mo?" tanong ko.
"Oo, alam mo ba? 1k na bigay sa akin na baon, I really don't know the status of our company, pero feeling ko milyonaryo na sila Daddy," aniya.
"Hindi ba factory ang mayroon kayo noon, tapos na-bankrupt?"
"Oo, yung tinayo ng lolo ko. Lumago tapos nawala, si Papa naman hindi nakatapos ng pag-aaral, nabuo ako. Shooter si Papa," aniya at tumawa.
"Baliw ka talaga..."
"So, ayon na nga, ang pagkakaalam ko. Toy factory ang pinalago ni Papa ngayon. Yung nga collective toys, tapos mga pambata," aniya.
"Anak ka, tapos wala kang alam sa ganoon? Hindi ka sure sa business niyo?" tanong ko.
Rinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Alam mo namang wala akong masyadong pakealaman do'n. Gusto ko lang mag-enjoy sa buhay, tapos maging masaya. Ayoko ng pressure, pero parang iyon na yung binibigay nila, since sabi nga inherited ko lahat. Babagsak sa akin ang mga responsibility na sa tingin ko hindi ko kaya i-handle."
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...