Seira Anthonette's P. O. V.
Pag-uwi ko ng bahay ay nagulat ako sa dami ng kalat sa buong sala. Napuno ng iba't ibang klase ng laruan ang paligid, may mga kahon ng laruan sa sofa. Nakapatong ang mga kotse-kotsehan ni Wayne sa center table.
Nakabukas ang TV at electric fan ngunit walang tao sa sala. Napabuntong hininga ako dahil sa inis, napakasakit sa mata makita ang ganito kaduming paligid.
"Wayne!" sigaw ko.
Ilang sandali pa ay nakita kong lumabas ng banyo si Jairus at Wayne. Nakangiti si Wayne na lumapit sa akin.
"Mama, you're back!"
"Yes, I am. Anong usapan natin tungkol sa mga laruan? Hindi ba't kabilin-bilinan ko sa 'yo na isa-isa lang ang lalaruin mo, hindi sabay-sabay—"
"Hayaan mo na yung bata. Ako naman magliligpit ng mga iyan. Ibabalik ko lahat sa ilalim ng kama niyo," depensa ni Jairus kay Wayne.
Napasapo ako sa aking noo. Heto na naman at nagiging superhero ni Wayne si Jairus. Tinuturuan ko nga ng disiplina ang anak namin, siya naman 'tong ginagawang pasaway si Wayne, manang-mana sa kaniya!
"Pwede ba, Jairus? Huwag mo kunsintihin sa mali ang anak ko—"
"Huwag ka mag-alala, Wayne. Maglalaro pa rin tayo ng blocks. Gagawa tayo ng malaking bahay," ani Jairus habang naglalakad sila pabalik sa sala na puno ng kalat.
"My gosh, Jairus!" sigaw ko.
"Ako nga bahala maglinis, huwag ka na ma-stress. Siguro hindi ka natanggap sa trabaho kaya ka bad trip," natatawang sabi ni Jairus.
"Excuse me, marami akong in-apply-an at lahat sila tatawagan daw ako kapag pasado ako sa interview." Binaba ko ang bag ko sa tabi ng kalat nila.
"Sana tawagan ka, sana all muna ako."
Tila ba walang problema si Jairus kahit na jobless pa ito. Samantalang ako ay kailangan ko na ng trabaho dahil nauubos na ang savings ko. Ilang libo na lang ang natitira sa pera ko.
"Magligpit na kayo diyan. Magpapahinga muna ako," sabi ko at pumasok sa loob ng kwarto para mahiga.
****************
Kinabukasan ay nadatnan ko na naman si Jairus sa bahay. Parang umuuwi na lang siya sa kanila para matulog, pero maghapon dito naka-stay.
"Mama, look what Ninong bought me!"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Wayne na may dalang malaking box ng laruan na isang helicopter. Namangha pa ako nang malamang mayroon itong remote control.
"D-Did you say thank you to your Ninong?" naiilang kong sambit.
"Of course, Mama. You taught me to say thank you everytime for appreciation." Nakangiti itong bumalik kay Jairus.
Nang magtama ang mga mata namin ni Jairus ay gumuhit ang ngiti sa labi niya. Sobrang gaan ng kaniyang mga tingin. Tumayo ito mula sa sofa at lumapit kay Wayne.
"Tara, paliparin na natin 'yan sa labas," pag-aya ni Jairus kay Wayne.
Agad namang sumama si Wayne kay Jairus. Napaawang ang labi ko nang ilabas ni Jairus mula sa box ang laruan. Sobrang ganda nito at mukhang mamahalin.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...