Seira Anthonette's P. O. V.
Magkasama si Wayne at Jairus sa paglalakad papasok sa isang sikat na fast food chain. Isinakay kami ni Jairus sa kaniyang kotse.
"Seira, upo na kayo. Ako nang oorder," ani Jairus at ibinigay sa akin ang kamay ni Wayne.
Napatitig ako sa kaniya. Pakiramdam ko ay ganoon pa rin siya, kung ano ang pakikitungo niya sa akin. Walang nagbago, pero hindi sila kinasal si Vinalyn? Buong akala ko masaya na siyang bumuo ng pamilya kasama si Vinalyn.
"Let's seat there," ani ko sabay turo sa bandang dulo na four seaters.
Naupo sa tabi ko si Wayne. Nilabas ko ang cellphone ko para mag-reply sa mga messages sa aming group chat ni Dorothy at Iverson. Nangangamusta ang dalawa sa lagay ni Mama.
"Hintayin na lang natin ang order natin," biglang sumulpot si Jairus kaya binaba ko ang cellphone ko.
"Kaya pa ba hintayin ng gutom mo, anak?" tanong ko kay Wayne at sinuklay ang buhok nito gamit ang mga daliri ko.
"Yes, Mama."
"Seira." Nagulat ako nang hawakan ni Jairus ang kamay kong nakapatong sa lamesa.
Agad akong umiwas.
"Bakit?"
"Kamukha ba niya yung tatay niya? Wala ka bang picture? Gusto mong ipahanap ko 'yon sa mga empleyado ko? Pwede natin kasuhan 'yon, hindi siya nagsusustento sa anak niya."
Seryoso ang mukha ni Jairus. Hindi naman niya siguro gustong makulong?
"Hindi na kailangan no'n. Kayang-kaya ko buhayin si Wayne, mag-isa. Hindi ko kailangan ng suporta mula sa ama niya," ani ko.
Ngumiti siya bigla.
"Masaya ako, dahil nakikita kong matatag ka. You're already a successful woman, but with a child of course. Samantalang ako, napag-iiwanan niyong lahat. Wala pa rin akong pamilya, tapos hindi pa magaling sa trabaho," aniya.
Lumakas ang tibok ng puso ko nang malamang wala pa nga siyang pamilya. Confirmed.
"Bakit mo naman nasasabi 'yan?"
Biglang dumating ang waiter, nilapag niya ang mga pagkain sa aming lamesa.
"May pamilya na lahat ng kaibigan natin," aniya habang nilalapag sa harapan ko ang manok na thigh part saka kanin.
Nilagay niya rin sa tabi ng plato ko ang spaghetti saka fries. Samantalang si Wayne naman ay kumpleto ang nakahain sa kaniya.
"Sila Sammy?" tanong ko.
"Oo, kinasal na sila ni Luis. May anak na rin, dalawang taon na. Si Rhaiko may anak na din. Ikinasal last month. Actually, nauna yung anak kesa sa kasal. Tapos si pareng Gil, kinasal din last year, after ni Sammy. Kada-taon kinakasal mga 'yon, hinihintay nga nila kung this year daw ba ako naman," kuwento niya at tumawa.
Napansin ko ang manok sa kaniyang plato, spicy iyon at sa akin original lang. Alam niyang ayoko sa maanghang.
"Congratulations sa kanilang lahat," ani ko at kumain.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...