Chapter 40

4.9K 143 31
                                    


Seira Anthonette's P. O. V.

Pagdating ko sa bahay nina Jairus ay nadatnan ko silang kumakain ni Wayne, habang tumatawa at nagkukwentuhan. Nakaramdam ako ng masamang kutob, na nakikita ko silang napapalapit sa isa't isa.

"Wayne, let's go. Kailangan na nating pumalit sa Tito Benjie mo doon," ani ko habang dire-diretsong naglalakad patungo sa dining table.

Muli kong naalala ang masakit na nakaraan ko sa hapagkainan na ito. Ang meryenda kasama si Vinalyn, habang sila ay nagsasaya, umiiyak naman ako sa banyo ng kusina. Sobrang sakit, ayoko nang maalala ang mga 'yon.

"Teka, Seira. Kumain ka muna," hinawakan ni Jairus ang braso ko.

"Sa susunod, hintayin mo naman na mag-agree muna ako. Napaka-paladesisyon mo!" irita kong sabi kay Jairus at tinabig ang kamay niya.

Napaawang ang labi niya sa ginawa ko. Tila ba nagulat pa siya sa inaasta ko sa kaniya, anong tingin niya sa sarili niya? Palagi siyang tama? Na okay lang kahit magdesisyon siya dahil kaibigan ko siya noon?

"Mama, we are just eating," malambing na sambit ni Wayne.

"Napakadami namang chocolate syrup niyan. Mag-toothbrush ka mamaya, ha?" ani ko kay Wayne.

"Seira, hayaan mo na yung bata---"

"Anak ko si Wayne. Nasa akin ang huling desisyon, huwag ka nang mangealam!" napataas ang tono ng boses ko dahilan para mapayuko siya.

Hinawakan ko ang kamay ni Wayne at pinababa siya sa upuan.

"Mama, stop fighting."

"We're not fighting, sinasabi ko lang ang tama sa kaniya. Like what I'm doing to you. Let's go---"

"But, I'm not yet done eating."

"Anong sabi ko?"

"Can I drink a milk before going?" napanguso si Wayne.

Kinuha ko ang baso ng gatas at binigay sa kaniya. Nang makalahati niya iyon ay binalik na niya sa lamesa.

"Gusto niyo bang ihatid ko kayo sa hospital?" tanong ni Jairus.

Umiling ako. Dire-diretso akong naglakad, habang hila-hila si Wayne palabas ng bahay nina Jairus. Pinunasan ko ang gilid ng labi ni Wayne.

"Mama, don't be mad na," hinawakan ni Wayne ang beywang ko saka yumakap.

"I'm not mad anymore. Tara na, sasakay tayo ng trycicle," ani ko.

Naglakad na kami patungo sa sakayan ng trycicle at saka pumunta sa hospital kung nasaan si Mama.

Habang nasa byahe kami ay tumunog ang cellphone ko, mensahe mula kay Kuya. Nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang malamang gumising na si Mama. Gusto kong maiyak sa tuwa.

"What happened, Mama?" tanong ni Wayne.

"Your Lola is awake. Thank God!" napatakip ako sa mukha ko nang kusang tumulo ang mga luha ko.

Naramdaman ko ang maliit na braso ng anak ko ang yumapos sa aking balikat at gamit ang maliit niyang kamay ay tinapik-tapik nito ang ulo ko.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon