Chapter 33

4.6K 151 22
                                    

A/n; been so busy lately... :( Sana makapag-antay kayo sa updates. Love lots

Seira Anthonette's P. O. V.

"Mapayapa, ibig sabihin sa english ay?"

"Peace!" sagot ni Iverson.

Napangiti ako, gumagaling na siya sa mga tagalog words. Kahit magtagalog kami ni Dorothy ay minsan naiintindihan na niya. Kung noon, clueless siya, ngayon umaalam na.

"What about hambog, I saw it on the internet."

"It's arrogant in english." Kinuha ko ang ballpen saka isinulat ang spelling ng hambog.

Nakaupo ako sa sofa habang ang dalawa kong paa ay nakapatong sa lamesa. Sobrang laki na kasi ng tiyan ko kaya mas nahihirapan ako kumilos. Parang buong araw gusto ko na lang mahiga, pero dahil kabuwanan ko na ay sinabi ng doktor na maglakad-lakad ako.

"Mahalaga na ikaw ay pahinga."

Nanlaki ang mga mata ko sa binuong sentence ni Iverson. Mahina akong natawa dahil hindi ito perfect grammar pero naiintindihan naman.

"Root word yung pahinga, there's other term for it, like magpahinga, for future tense, nagpapahinga for present tense and nagpahinga for past tense. Did you get it?"

Tumango siya at ngumiti.

"It's basic, matuto rin ako niyan!" mayabang niyang sabi.

"Matututo, present---agh!" napahawak ako sa tiyan ko.

Nakaramdam ako ng sakit. Unti-unting lumamig ang binti ko, noon ko napagtanto na pumutok na ang aking panubigan. Oras na, ang panganganak ko!

"Seira!" Hinawakan ni Iverson ang likod ko para maiupo ako ng tuwid.

"My water---I'm giving birth!" sigaw ko.

Agad niyang kinuha ang malaking bag sa tabi ng TV. Iyon ang gamit ng baby.

"I will take you to the hospital!"

Hindi siya nagdalawang isip na buhatin ako. Nahiya naman ako sa suot kong bestida at sa itsura ko, dahil hindi pa ako naliligo. Wala man lang akong ayos sa pagpunta ng hospital. Wala naman akong choice dahil pakiramdam ko lalabas na ang anak ko.

Dinala ako ni Iver sa kaniyang kotse. Inupo ako nito sa passenger seat habang nakasapo ako sa tiyan ko. Nilagyan niya ako ng seatbelt at agad na pinaharurot ang sasakyan.

"The pain I'm feeling right now, gosh! It's like I'm being killed!" sigaw ko at napapikit ng mariin sa sobrang sakit.

"Hold on! I'll call Dorothy, she must be at work right now or having a date with some random guy." Pinapanood ko si Iverson na kuhanin ang kaniyang cellphone at i-dial ang number ni Dorothy.

"Ako na nga! Baka mabangga pa tayo!" sigaw ko at inagaw sa kaniya ang cellphone nito.

"What, I didn't understand--"

"Later!"

Agad na nag-ring ang call. Ilang segundo ang lumipas bago tuluyang sagutin ni Dorothy ang call.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon