Chapter 79

2.8K 102 29
                                    

Seira Anthonette's P. O. V.

Iniisip ko pa rin kung paano ko sasabihin sa kaniya na may anak kami, at si Wayne 'yon. Nakatatak pa rin sa utak niyang anak ko ito sa ibang lalake at hindi naman ako makahanap ng tamang tyempo para masabi iyon sa kaniya.

"Jairus, sorry ngayon ko lang sasabihin ito pero ang totoo, anak mo si Wayne."

Napatitig ako sa salamin habang nakatingin sa repleksyon ko. Napairap ako dahil pakiramdam ko ang pangit ng approach ko. Ilang minuto na akong nakatayo dito sa banyo ng opisina namin. Mag-isa lamang ako at naghihintay na lang ng uwian dahil tapos na ako sa aking trabaho.

"Shocks, paano ko ba ide-deliver ng maayos? Bibiglain ko ba? Jairus, anak mo si Wayne." Napahawak ako sa aking ulo at halos mabaliw na.

"Jairus, matagal na kitang mahal at may nabuo tayo 5 years ago, si Wayne 'yon."

Biglang bumukas ang pinto kaya gulat na gulat akong napatitig sa aking katrabaho.

"Oh, Seira. Kanina ka pa ata diyan?" tanong nito sa akin.

"N-Nag-aayos lang ako ng make-up, retouch," pagsisinungaling ko.

Tumango siya at pumasok sa cubicle. Ako naman ay naglakad na palabas ng banyo, nagtungo ako sa aking desk at kinuha ang handbag na regalo ni Jairus sa akin. Napangiti ako nang haplusin ito, ang sarap isipin na galing ito sa taong mahal ko. Para akong bata na kinikilig pa rin.

"Out na ako, bye guys!" sigaw ng isa naming kasamahan.

Kumaway kami sa kaniya habang papalabas ito. Ang ilang kasamahan ko sa team ay hindi pa tapos sa trabaho, ang iba sa kanila ay nag-o-overtime pa.

Tumunog ang cellphone ko sa loob ng bag, nang tignan ko ito ay nakita ko kaagad ang message ni Jairus na nasa labas na siya ng company at naghihintay sa akin. Napangiti naman ako at nagpaalam na sa mga katrabaho ko bago umalis.

Paglabas ko ng building ay laking gulat ko nang makita si Jairus na nakasandal sa kaniyang sasakyan habang may hawak na isang malaking bouquet of roses. Sobrang ganda nito, dahilan para pagtinginan siya ng mga taong dumaraan.

"Seira."

Nakangiti itong lumapit sa akin at inabot ang bulaklak. Tila ba naging atraksyon kami sa mga tao. Nakaramdam ako ng hiya dahil ang mga mata nila ay nasa amin. Hinawakan ko ang braso ni Jairus at hinila papunta sa sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat.

"Bakit parang hindi ka masaya?" tanong ni Jairus pagsakay niya ng driver's seat.

"Hindi lang ako sanay na maging agaw atensyon, ang dami kayang nakatingin. Tara na, uwi na tayo," sabi ko at sinuot ang seatbelt.

Ngumiti naman ito ng nakakaloko sabay bukas ng makina at nagsuot ng seatbelt. Napakunot ang noo ko sa kaniya.

"Bakit ganiyan ka makatingin?"

"Wala lang, may naalala lang ako," pilyo niyang sabi.

Hinampas ko ang braso niya. Pakiramdam ko ay kalokohan ang nasa utak niya ngayon.

"Oh, bakit? Mind reader ka na ba ngayon at nanghahampas ka? Parang alam mo nasa isip ko, ha?" natatawa niyang sabi habang nagmamaneho.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon