Seira's P. O. V.Hindi ako makatingin ng diretso kay Jairus, hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil sa naramdaman ko nang ilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Gusto kong sumigaw sa inis, na kung bakit kakaiba ang naramdaman ko. Hindi na ako papayag na mahulog ang loob ko sa kaniya.
Napailing ako ng ilang beses upang mabago ang laman ng aking isipan. Bigla namang napatingin sa akin ang anak ko. Gulat ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Siya ang katabi ko sa back seat habang si Jairus ay nagmamaneho at si Iverson ang nasa passenger seat.
"Are you okay, Mommy?" he asked.
"U-Uhm... O-Of course, baby," naiilang kong sagot.
Napansin ko ang pagtingin sa akin ni Iver at Jairus. Agad kong hinaplos ang buhok ni Wayne saka ngumiti para hindi na nila ako tignan.
"Mommy... Dada already fixed my hair, he put a gel on it that will make me gwapo," bibong sabi ng anak ko.
Napaawang ang labi ko. Hindi ko inaasahang sabihin niya iyon, masyado pang baby ang anak ko para pumunta sa stage ng pagbibinata, conscious na agad sa kaniyang looks.
"Wayne, you always look gwapo, okay?"
"Maniwala ka sa Mommy mo, Wayne." Napalingon kami kay Jairus nang magsalita ito bigla habang nagmamaneho.
"Kanino ka pa ba magmamana ng kagpwapuhan mo, syempre sa Mommy mo. Malakas genes niya, tignan mo nga at parang boy version ka na ng Mommy mo," dagdag pa niya. Tumawa ito habang nakatuon ang atensyon sa kalsada.
Napalunok ako ng ilang beses. Mabuti na nga lang at malakas ang dugo ko kaysa sa kaniya, kung hindi ay baka nalaman niya kaagad na anak niya si Wayne dahil hindi sila mapagkakaila.
Napatingin ako kay Iverson na nakatitig sa akin. Marahil ay naintindihan niya ang sinabi ni Jairus, kahit ba tagalog ito manalita. Napayuko ako at inakbayan na lamang si Wayne.
"Dito ba parking ng school na 'to?" tanong ni Jairus nang makarating kami sa malaking campus ng isang sikat na school.
Napalingon ako sa paligid. Isang arrow sign ang nakita ko. Binasa ko naman ang nakasulat dito.
"Parking lot, turn left."
"Oo nga, hindi ko agad nakita, my bad!" ani Jairus.
Agad siyang lumiko. Napabuntong hininga ako habang tumitingin sa paligid. May mga tao sa loob ng school kahit bakasyon pa, mukhang mga nage-enroll din sila.
"All right, let's go!" masiglang sabi ni Jairus nang maiparada na ang sasakyan.
Binuksan ko ang pinto ng kotse at hinawakan ang kamay ni Wayne upang alalayan itong bumaba. Napansin ko naman ang saya sa mukha ni Wayne habang nililibot niya ang kaniyang paningin.
"Mommy, will I study here? This place is nice. Look! There's a swing over there!" Hinila ni Wayne ang kamay ko patungo sa kaniyang tinuturo, isang malaking play ground ng mga bata.
Iyon ang sasalubong sa 'yo pagkatapos ng parking lot. Maraming laruan, at may mga bata ring naglalaro.
"Wait, anak. Before we go there, we must check this school and enroll you first." Napatigil si Wayne sa paghatak sa akin. Sumimangot ito.
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...