Seira Anthonette's P. O. V.
Nakahanda na akong pumasok sa school. Napansin ko namang wala pa rin si Jairus. Kadalasan ay siya ang naghihintay sa akin dahil mabagal ako gumayak, gusto ko maging maganda sa paningin niya palagi. Nag-aayos ako, naghihilod ng todo at nagpapabango.
Kinuha ko ang bag ko saka lumabas ng kwarto ko. Nang isarado ko ang pinto ay nakita kong nagtitimpla ng kape si Mama.
"Oh, Seira! Akala ko umalis na kayo?" ani Mama.
"P-Po? Umalis na po ba si Jairus?" tanong ko.
Tumingin si Mama sa bintana at tila ba may sinilip. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa loob ng bag ko, mula pagkagising ko ay hindi ko ito na-check dahil busy ako sa pag-aayos. Nag-braid pa naman ako ng buhok.
Nakita ko ang message ni Jairus kaya binuksan ko ang conversation namin.
"Narinig ko kasi yung kotse nilang bago, lumabas 'yon kanina pa. Hindi ba't kay Jairus 'yon? Akala ko kasama ka niya, himala kako at sumakay ka sa kotse. Palagi ka pa namang nagsusuka. Malay ko bang nandyan ka pa pala."
Hindi ko pinansin si Mama. Napalunok ako sa sarili kong laway nang mabasa ang messages ni Jairus.
{Uy, buddy.}
{Ayaw mo ba ako i-seen}
{Gago, mauna na ako ngayon ah? Susunduin ko si Vinalyn. Pinayagan niya ako sunduin siya, gagamitin ko yung kotse ni Papa, wish me luck sa pagda-drive ko sana hindi ko to mabangga}
{Laughing emoticons}
Bumuntong hininga ako. Umalis na pala siya, kanina pa. Ang tanga ko para hindi i-check ang phone ko. Nasanay ako na palagi siyang nandito sa tabi ko, hindi ko akalain na darating ang araw na magbabago na nga ang lahat.
"Mauna na po ako, Ma. Male-late na ako," ani ko.
Wala akong ganang nagsuot ng sapatos.
"Sige, mag-ingat ka. Wala kang kasabay, mag-isa ka lang. Nag-away ba kayo ni Jairus, bakit hindi kayo sabay pumasok--"
"Hindi kami magkaaway, Ma. Ba-bye na po!" sigaw ko at binuksan ang gate.
Ngumiti ako kay Mama nang isarado kong muli ang gate. Napatingin ako sa bahay nila Jairus, kita ko ang lock ng pinto nila. Napabuntong hininga na lamang ako at dumiretso sa kanto para sumakay ng trycicle.
Pagdating ko sa school ay dumiretso kaagad ako sa building namin. Habang nasa hallway ako ay nakasalubong ko si Vinalyn. Napakaganda niya, parang effortless yung kagandahan niya, hindi kagaya ko na kailangan pang ilublob sarili ko sa banyo ng ilang oras para bumango at pumuti.
"Seira! Kanina pa kita inaabangan," masigla niyang sabi sabay hawak sa braso ko.
"B-Bakit?" nauutal kong sambit at tila ba nahiya sa ginawa niya.
Nakakapagtaka naman, feeling close na rin ba siya sa akin porket nakuha na niya si Jairus?
"Kwentuhan mo naman ako tungkol kay Jairus, hindi ba best friend mo siya since birth?"
BINABASA MO ANG
Hidden Love And Lies
RomanceSi Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. N...