Chapter 57

2.5K 92 6
                                    



Seira Anthonette's P.O.V

Lumabas kami ng registrar office ni Jairus. Habang nilalagay ko sa aking hand bag ang mga brochure at ilang papers na binigay na kailangan itago. Biglang hinawakan ni Jairus ang magkabilang balikat ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. Pag-angat ko ng tingin ay isang lalake na nakatalikod habang nagce-cellphone ang nasa harapan ko.

"Seira mambabangga pa," pang-aasar ni Jairus sabay bitaw sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. Bigla namang lumingon ang lalakeng nakatayo sa harapan ko. Ngumiti ako sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad. Nauna na si Jairus papunta sa playground kung nasaan sila Wayne.

"Wayne! Sakay ka doon! Mag-seesaw tayo!" umalingawngaw ang boses ni Jairus sa buong playground sa lakas ng kaniyang sigaw.

Napabuntong hininga ako nang makitang tumatakbo na ang mag-ama at nagpapaunahan pa papunta sa seesaw. Habang si Iver ay pinapanood lang sila na maglaro. Nilapitan ko siya dahil parang malungkot ito.

"Iver."

"Look at them, they're so happy together."

I suddenly felt guilty with the tone of his voice.

"O-oo nga..."

"Seira, what if Jairus will get mad if he knew that Wayne is his child?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Iver. Agad akong sumenyas sa kaniya na huwag maingay. Napatingin ako sa mag-ama na masayang naglalaro ng seesaw. Parang bata si Jairus dahil tuwang-tuwa at mukhang mas nag-eenjoy pa siya kaysa kay Wayne.

"Iver, why are you opening that kind of topic?" I whispered.

"Nothing... You already told me the story between you and Jairus. I already know what kind of bastard he is and how badly he treated you but—look at him with your son. I can see how sincere he is taking care of Wayne. He may be bad at you but never with Wayne."

Napaawang ang labi ko sa kaniyang mga sinabi.

"I-Iver—"

"Wayne grew up in my arms. I watched his first walk when he's almost 1 year old. But his happiness with his true father can't compare to the relationship we have."

Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. I know somehow he is hoping na sana siya na lang ang naging ama ni Wayne. Ayoko isipin ni Iver na ipinagtatabuyan ko na siya matapos ang lahat ng pagtulong at sakripisyo niya sa akin pero ayoko rin naman siyang paasahin. Naiipit ako sa gitna... Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.

"Why are you telling me this, right here—right now?!" naguguluhan kong tanong.

"I respect your decision as a mother, but Wayne needs a father too. If it's not me, Seira..." He held my hands. "It's the man you still love, Jairus."

Napalunok ako ng sarili kong laway. Paanong nakakayang sabihin niya ito ngayon na para bang magpapaalam na siya? I love him as a friend, we've been through a lot taking care of Wayne. Ayokong maghiwalay kami nang hindi maayos sa isa't isa. Nalulungkot ako sa mga sinasabi niya.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon