Chapter 72

2.2K 96 15
                                    

Seira Anthonette's P. O. V.

"Mama! Mama! Mama!" Nabitawan ko ang cellphone ko sa paghila ni Wayne sa braso ko.

Inis akong yumuko para pulutin ito. Napabuntong hininga ako nang makitang may basag ang dulo ng screen ng cellphone ko.

"My God, Wayne. Look what you did!" inis kong sabi sa kaniya.

"Sorry, I am just scared. Look at them, they're rescuing people inside the building. There's a lot of fires!" naluluha niyang sabi.

Napalibutan ang gusali ng mga firetrucks at mga tao na tumutulong sa pag-apula ng apoy. Ang iba naman ay nakukuha pang video-han ang mga nangyayare. Samantalang ang iba ay nagkukwentohan pa, mga chismosang nakiki-osyoso.

Sa katunayan, pagpasok namin ng milktea shop ay may usok na sa kusina nito. Hanggang sa may biglang sumabog. Sa takot ko ay nilabas ko na kaagad si Wayne.

"Wiring ng blender yung may problema, o hindi kaya sumabog mismo yung blender. Titignan pa namin, captain." Napatingin ako sa isang fireman.

"Unahin niyo muna yung mga tao sa building. Kailangan ligtas sila."

"Dikit-dikit po yung mga stall at ang daming gawa sa kahoy kaya mas lalo kaming nahihirapan makapasok sa dami agad ng nasusunog."

Pinanood kong umalis ang fireman. Napabuntong hininga ako at nilagay sa bag ko ang aking cellphone, sobrang tagal naman ni Jairus. Ngayon ko lang kailangan magpasundo sa kaniya para ligtas kami ni Wayne. Nakakatakot na baka mapaano na naman kami, nakaka-trauma ang pagsabog.

Ilang sandali pa ay nagulat ako nang may mga taong sumisigaw sa isang lalake na nakasuot ng polo. Tumatakbo ito papaakyat ng gusali, habang pilit namang pinipigilan ito ng mga bumbero.

"J-Jairus?" napaawang ang labi ko nang mapagtanto kong si Jairus ang lalakeng 'yon.

"JAIRUS!" sigaw ko ngunit huli na ang lahat.

Bigla itong pumasok sa gusali. Sa sobrang takot ko na baka mapaano siya ay pati ako tumakbo papunta sa hagdanan, agad akong hinarang ng mga bumbero.

"Teka! Kuya, ako yung hinahanap nung lalake na pumasok sa gusali. Please lang, pakitawag siya at sabihin niyong nandito ako sa labas!" sigaw ko habang malakas ang tibok ng aking puso.

Agad na kumilos ang mga bumbero para habulin si Jairus. Napakagat ako sa ibabang labi ko habang dumadagungdong ang puso ko sa kaba at takot na baka may mangyareng masama sa kaniya.

"Where's Ninong!?" sigaw ni Wayne.

"Anak—"

"There he is!" sigaw ni Wayne sabay turo sa 2nd floor.

Kitang-kita ko si Jairus na tumatakbo pababa ng hagdanan. Ang dami nang dumi ng kaniyang polo at nakita kong may kulay pula sa kaniyang braso. Nang tumakbo ito papalapit sa akin ay may lalo kong nakita ang sugat niya sa kaniyang braso.

"Jairus—"

Napahinto ako nang bigla niya akong yakapin.

"Putangina... Parang mas takot akong mawala ka kaysa mamatay ako."

Napaawang ang labi ko sa sinabi nito. Lumakas ang tibok ng puso ko at tila ba huminto ang pag-ikot ng mundo ko. Rinig ko lamang ay ang hingal ni Jairus habang mas lalong humihigpit ang yakap nito sa akin.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon