Chapter 53

3.8K 112 22
                                    


The night Jairus saw Seira with Iverson.

Seira Anthonette's P. O. V.

Sumapit ang gabi, nang tuluyan nang umuwi si Jairus ay pinatulog ko na si Wayne. Nakabantay naman sa akin si Iverson habang tinatapik ko si Wayne para makatulog na.

"The way he talked, it bothers me."

Tinignan ko si Iverson nang magsalita ito. Sumenyas ako na huwag siyang magulo dahil baka maabala ang ginagawang tulog ni Wayne. Nagpatuloy ako sa pagtapik sa kaniya at paghagod ng mga daliri ko sa kaniyang buhok para makatulog ito.

Nang mapansin kong malalim na ang kaniyang paghinga ay binitawan ko na siya. Hinila ko ang kumot patakip sa kaniyang katawan. Tumingin ako kay Iverson at bakas ang inis sa kaniyang mukha, hinawakan ko ang kamay niya.

"Let's talk, outside."

Tumayo siya at sumunod sa akin kung saan ko siya dalhin. Madilim ang paligid, pero mas pinili kong sa labas mag-usap at baka marinig pa kami ni Mama kapag sa sala. Tumayo kami sa harapan ng bahay.

"I'm sorry, Seira. It just--it feels like that man, Jairus. He's talking like a mad person. It's like I've done something wrong to him."

Napakamot ako sa batok ko, hindi ko naman mapaliwanag na ganoon talaga ang ugali ni Jairus. Ayoko namang maramdaman ni Iverson na kinakampihan ko itong si Jairus.

"Maybe he just wanted to tell himself. It's just an opinion," ani ko at hinawakan ang balikat niya para kumalma na siya.

"Your mother is on his side. I thought she will be mad if she figured out that the real father of your son is your best friend?" tanong nito.

Kinurot ko ang braso niya dahil ang ingay niya at baka may makarinig sa kaniya.

"Awww--"

"Iverson, I want to be fair. I'm not taking any sides, when my mother's point is better. Yes, there's a big salary waiting for me but---I want to stay here with my family, Iverson..." hinawakan ko ang balikat niya.

Napayuko siya, nag-iwas ng tingin sa akin. Rinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga.

"Is it really because of that?" naging seryoso ang tono ng boses niya.

"W-What do you mean? There's no reason than that---"

"Jairus. You're still in love with him, am I right?" tanong niya.

Napaawang ang labi ko. Napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa kaniya, dahil nakakagulat ang kaniyang sinasabi. Ang hirap sumagot, hindi ko alam kung ano nga ba ang tunay kong nararamdaman.

"Iverson, you know how much I hate that man because of my past with him."

"The way you look at him, Seira. I dreamed that you'll look at me that way too. A look that shows affection."

Mahina akong natawa dahil parang hindi naman totoo ang sinasabi niya.

"Ano ka ba naman? I don't even feel the affection you're saying. That's not it," umiiling kong sambit.

"Because you're denying it. Just deny, simple as that. Your words can lie, but your eyes can't. Seira, you can tell everything to me and I will always be here to understand you."

Parang may kurot sa puso ko nang sabihin niya 'yon.

"Iver, I'm sorry for saying this. You've done a big role in my life. You helped me to be the person I am today, it's just that---I... I can't..."

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon