Chapter 84

3.3K 109 13
                                    

Seira Anthonette's P. O. V.

"Jairus..."

"Yes!" sigaw niya at niyakap ako sa sobrang saya.

Nakita ko si Rhiane na sinisilip ang pregnancy test at nang makita niya ang dalawang guhit ay nanlaki ang mga mata nito. Napapalakpak si Rhiane at nang humiwalay ako sa yakap ni Jairus ay bigla niya akong niyakap.

"Congratulations sa inyong dalawa. Madadagdagan na ang pinsan nila Janelle at Lance," ani Rhiane.

"Masayang-masaya ako, masasaksihan ko rin sa wakas ang paglaki ng tiyan mo na hindi ko nagawa noon," ani Jairus at hinalikan ang labi ko.

"Hala, nag-kiss sila," rinig kong sabi ni Janelle.

Hinampas ko ng mahina ang dibdib ni Jairus, nakita tuloy kami ng mga bata.

"Ikaw talaga!"

"Oh, bakit? Gusto ko nga mag-celebrate tayo. Announcement na buntis ka, tapos magre-resign ka na sa trabaho mo. Tapos yung guest room magiging babies room na doon na si Wayne at ang baby natin tapos—"

"Kumalma ka, hindi pa nga tayo nakakapagpa-ultrasound para masiguradong may laman nga 'to," sabi ko at napahawak sa tiyan ko.

Hinawakan rin niya ang tiyan ko. Punong-puno ng excitement ang mukha niya. Napangiti ako. Lahat sila ay suportado, wala na akong kailangan isipin ngayon dahil narito si Jairus. Hindi kagaya noon na lahat ay iniisip ko at kamuntikan pa akong makunan sa sobrang pagod.

"Pag-uwi ni Mama Sonya, matutuwa 'yon sa balita mo, Seira. Sabihin ko na ba agad o kayo na ang magsasabi?" tanong ni ate Rhiane.

"Sige, Ate. Sabihin mo na. Pero gusto ko muna magpa-ultrasound."

"Tara na. Pupunta tayo sa pinakamagaling na OB," aniya sabay hawak sa kamay ko.

"Mukhang magiging masaya ang lahat kapag naibalita niyo nang buntis na naman si Seira," ani Ate.

"Sigurado 'yon. Mauna na muna kami, para mapa-check up na ang baby."

Tuluyan na akong hinila ni Jairus palabas ng bahay. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto at todo alalay sa akin habang naglalakad.

"Dahan-dahan may mga bato," aniya habang papasok kami sa bahay namin.

"Ang OA naman. Okay naman ako, ha?" natatawa kong sabi.

"Syempre kailangan mo mag-ingat palagi, lalo na at may baby tayo sa tiyan mo," aniya sabay himas sa aking tiyan.

"Okay naman ako, kasi nandiyan ka naman."

"Oo, hinding-hindi kita papabayaan. Hindi na ako mawawala sa tabi mo, pangako ko 'yan sa 'yo, Seira." Hinawakan niya ang kamay ko sabay titig sa mga mata ko. Kitang-kita ko ang maluha-luha niyang mga mata.

I can see how sincere and happy he is ngayong madadagdagan na ang pamilya namin. Magkakaroon na ng kapatid si Wayne at sobrang saya ko rin.

"Mama, Papa. What are you doing outside?"

Sabay kaming napalingon ni Jairus kay Wayne na nakasilip sa bintana. Sinamaan niya kami ng tingin.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon