Chapter 17

4.4K 132 42
                                    


Seira Anthonette's P. O. V.

Tila ba nakalimutan na namin ni Jairus ang lahat ng tampuhan sa isa't isa, akala ko hindi na kami babalik sa dati. Heto kami ngayon at magkasama pa rin.

"Bubuksan ko yung bintana, sayang lisensya ko hindi naman nagagamit," ani Jairus.

Pinipilit niya akong sumakay sa kotse niya. Dadalhin na daw niya sa school ito simula ngayon at gagamitin panghatid at sundo sa akin pati na rin kay Vinalyn.

"Baka masuka kasi ako--"

"Hindi nga bubuksan yung aircon."

"Pero mainit."

"Bukas naman bintana, dali na." Hinawakan ni Jairus ang kamay ko.

"Bahala ka kapag ako, nasuka."

"Ako pa maglilinis ng suka mo," natatawa niyang sabi.

"Bwisit ka talaga!" ani ko at inirapan siya.

Sumakay ako sa kaniyang sasakyan. Pinagsara niya pa ako ng pinto. Ikinabit ko ang seatbelt at tumabi naman siya sa akin, napangiti na lamang ako.

Sana hanggang sa pagtanda namin ay makakaupo pa rin ako sa passenger seat ng sasakyan niya. Ramdam ko ang kilig at saya ngayong para kaming mag-asawa. Nangangarap pa rin ako, mangangarap ako nang mangangarap. Siya lang ang minahal ko ng ganito, si Jairus lang habambuhay.

"Dahan-dahan ka lang mag-drive, ha?"

"Seira, paano kapag pinaharurot ko 'to?"

"Gusto mo sampal?"

"Biro lang!"

Nang makarating kami sa school, nag-park na si Jairus at madaming estudyante sa parking lot. Pansin ko ang tinginan nila nang bumaba ako sa sasakyan. Hindi ko naman inaasahang makasalubong sina Vinalyn kasama ang barkada niya. Bakas ang gulat sa mukha nito.

"H-Hello," bati ko at tipid na ngumiti.

"Where's Jairus?" tanong niya kaagad.

"Pababa na ng sasakyan--"

"Babe!" agad na tumakbo si Jairus papunta kay Vinalyn at niyakap ito.

"Dinala mo pala kotse mo. Sabay ulit kayo pumasok?"

"Oo, Babe. Sabay na rin kami uuwi."

"Ow... Okay, papasok ka na ba? Papasok na kasi kami, sabay ka sa amin?" tanong ni Vinalyn.

Tumango si Jairus. Napatingin siya sa akin, sumenyas ako na sumama na siya kay Vinalyn. Naiwan ako sa parking lot habang sila ay sabay-sabay na naglalakad.

"Seira, bakit hindi ka sumabay sa kanila?" nagulat ako nang biglang marinig ang boses ni Gil sa aking likuran.

"Nandyan ka pala. Ginulat mo 'ko!" daing ko.

Tinanggal nito ang kaniyang helmet saka ipinatong sa motor nitong nakaparada sa likod ko.

"Tara, pasok na tayo. Hindi ka man lang nila sinabay, ang attitude naman nung mga 'yon." Hinila niya ang manggas ng blouse ko para lumakad ako.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon