Chapter 43

4.2K 136 12
                                    

Seira Anthonette's P. O. V.

Sobrang ganda ng penthouse, modern theme pero elegant. Kapansin-pansin ang mga vase ng halaman sa bawat sulok at table. Mukhang naging malapit na si Jairus sa halaman makalipas ang ilang taon.

"Sir, nandito po si Ms. Seira."

Naunahan ako ni Philip na maglakad papunta sa isang silid na mukhang kwarto. Nakakahiya man na narito ako matapos ko siyang palayuin, kailangan ko kainin ang pride ko para sa anak ko.

"Seira? Si Seira!?" sigaw ni Jairus mula sa kwarto.

"Yes, sir. Naghihintay po siya--"

"Lumabas ka na! Sabihin mo sandali lang!" sigaw niya.

Nakita ko pa ang pagtulak ni Jairus kay Philip. Tila ba nabalisa ito nang malamang narito ako, hindi kaya natakot talaga siya sa akin sa mga salita ko?

Nakangiting palapit sa akin si Philip.

"Ms. Seira, lalabas din si Sir, magbibihis lang. I'll go out para magkaroon kayo ng private conversation," aniya sabay lakad pabalik sa elevator.

Napabuntong hininga ako at nanatiling nakatayo kung saan ako naroon. Ilang sandali pa ay lumabas si Jairus, nagmamadali siyang ibutones ang kaniyang polo at hindi man lang ako napansin.

Dumiretso siya sa stante kung saan nakakalat ang ilan niyang gamit. Kumuha siya ng body spray saka ipinaligo sa katawan niya. Nang magtama ang mga mata namin ay nagkatinginan kami.

"S-Seira?" bulong niya.

"Gusto ko humingi ng tawad kung nasaktan man kita sa mga nasabi ko. Alam ko, wala akong isang salita pero nandito ako ngayon dahil kay Wayne." Naglakad ako papalapit sa kaniya.

Napansin ko ang pamumula ng mga mata niya sa malapitan. Bigla siyang suminghot, tila ba may sipon ito.

"A-Anong meron kay Wayne, hindi pa rin ba siya okay?" tanong niya.

"May sakit ka ba?" tanong ko.

"Wala. About sa sinabi mo sa akin, na-realize ko namang mali talaga ako. Hindi mo na kailangan humingi ng tawad, deserve ko naman 'yon, mali ako. Ako dapat ang mag-sorry." Binitawan niya ang body spray at napayuko.

"Baka pwedeng maheram yung time mo, kahit thirty-minutes lang," ani ko.

"H-Huh?" naguguluhan niyang tanong.

"Si Wayne kasi... Actually, nagta-tantrums siya dahil ilang araw ka niyang hindi nakikita. I felt guilty, dahil ako ang reason kung bakit ka lumayo, because I told you so. I think he's also mad at me, dahil nagawa kong magsinungaling sa kaniya. I thought makakabuti na lumayo ka, pero mukhang hindi ako ang makakasuyo kay Wayne." Hinawakan ko ang balikat niya. "Can you please visit my son?"

Bakas ang gulat sa mga mata niya nang malaman ang sitwasyon ni Wayne ngayon, mabait na bata si Wayne huwag mo lang gagalitin o magkakaroon ng tantrums.

Huwag sana siyang tumanggi, sobrang hirap ng dinanas ko at nilunok ko pa ang pride ko para sa anak ko.

"Ngayon na ba?" tanong niya.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon